fix articles 100717, ng presyo
WALANG AWAT NA KILOS PROTESTA SA PILIPINAS (tags)
Sunud-sunod na kilos-protesta ang inilunsad nitong nagdaang mga araw, laluna ng mga kabataan, laban sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at sa pagtanggi ng rehimeng Arroyo na alisin ang ipinapataw nitong buwis sa mga ito. Papalaki at papadalas na mga kilos-protesta ng mga kabataan. Umabot sa mahigit 5,000 estudyante at kabataang di nakapag-aaral ang nagmartsa patungong Mendiola nitong Hulyo 18. Sa panawagang “Kabataan at Bayan, Mag-aklas,” nag-walkout ang libu-libong estudyante mula sa kani-kanilang eskwelahan. Iginiit nila ang pagbabasura sa value added tax (VAT) sa langis, ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law at ang pagsasabatas sa P125 across-the-board na umento sa sahod.
Pambansa-koordinadong protesta at welgang transportasyon, tagumpay! (tags)
IPINAHAYAG ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong umaga na tagumpay ang pambansa-koordinadong protesta at welgang transportasyon bago pa man ito sinimulan ngayong araw. Sinabi ni Elmer ‘Ka Bong’ Labog, Tagapangulo ng KMU na ang pahayag ng Department of Energy (DOE) na wala nang susunod pang pagtataas ng presyo ng langis ngayong Disyembre at anunsyo ng LPGMA o LPG Marketers Association na magrorolbak sila ng presyo ng LPG sa mga susunod na araw, sa bisperas ng pagdaraos ng welgang transportasyon ay mga malinaw na positibong mga reaksyon sa mga lehitimong panawagan at sentimyento ng mga demonstrador.