fix articles 10850, na sa Los Angeles Indymedia : tag : na sa

na sa

PARUSAHAN ANG MGA AMPATUAN: UTAK NG MASAKER SA MAGUINDANAO (tags)

Kung gaano kabilis magpaaresto si GMA sa kanyang mga kalaban, gaanong kabagal naman at kaingat siya sa pagprotekta sa katulad na warlord na si Ampatuan na gumawa ng karumaldumal na masaker sa Magunidanao. Ayon sa tagapagsalita nitong si Melvin Barcenas ng Los Angeles, nakapangngangalit ang pahayag na GMA na “ kaibigan pa rin niya ang mga Ampatuan” kaya ganong kaingat sila sa pagprotekta dito. Ayon sa mga balita umabot na sa 67 ang nahukay na bangkay kabilang ang 22 babae na kanilang ginahsa bago pinatay, 30 mamamahayag at maging mga walang malay na sibilyan na napadaan lamang. Ito rin ang pikamaraming myembro ng media na namatay sa loob ng isang araw sa kaysaysan ng mundo.

3,000 lumikas sa Surigao (tags)

Napagalaman ngayon ng AJLPP na lumulubha ang mga paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao lalong lalo na sa mga probnsya ng Surigao at Davao. Umaabot na sa halos 3,000 magsasaka an lumikas mula sa 12 komunidad ng Surigao de Sur habang nagpapatuloy ang mga operasyon militar ng mga pwersa ng Eastern Mindanao Comman laban sa Bagong Hukbong Bayan Ayon sa Karapatan-Surigao del Sur Chapter, aabutan na ng Pasko ang mga bakwit sa mga sentro ng ebakwasyon dahil sa mga operasyong militar sa mga bayan ng Lianga, San Agustin, San Miguel, Cagwait at Tago na nagsimula noon pang huling bahagi ng Oktubre.

LUMALAPIT ANG ELEKSYON, TUMITINDI ANG PATAYAN AT KARAHASAN (tags)

Wala nang tatalo pa sa pagkagarapal ng Rehimeng US-Arroyo. Mula sa panuhuhol, panadaraya at lalo na sa karahasan, dinaig na nito ang pasistang rehimeng US-Marcos sa pagiging makapal ng mukha at pagiging manhid lalo na sa pagkunwari. Dahil dito muling nanawagan ang AJLPP sa mga mamamayan ng Pilipinas na dapat pag-ibayuhin ang pagmamatyag at pagbabantay laban sa karahasan at pandaraya . Lubhang ikinababahala ng AJLPP ang paghdami ng mga insidente ng karahasan at ang lantaran at garapalang paggamit ng gobyerno ng suhol sa masa.

Sabwatang Imperyalismong US (tags)

Mahigpit at mariing kinokondena ng AJLPP o Alliance-Philippines-USA ang sukdulang kawalang-hiyaan ng pasistang rehimeng US-Arroyo sa pagmamalaki nito sa kasalukuyang kontra-terorismong todo gyera laban sa sambayanang Pilipino. Kasumpa-sumpa ang pagiging nuno sa karagapalan ng pasistang gobyerno . Dahil pati ang usaping ng pagtulong kanhit pakunwari na dating ginagawa ng mga sundalong Pilipino, ngayon ay inaasa na sa mga mapanakop na sundalong Amerikano lalo na sa mga lugar na malakas ang NPA at ang MILF. Dati-rati mula sa panahon ng mga naunang papet na presidente, ang mga civic action (Civac) na ngayon ay tinatawag na “Humanitarian Missions” ay ginagawa ng AFP at ng gobyerno ng Pilipinas. Ngayon, ayon sa kanilang kasunduan, ang Civac o “humanitarian missions’ tulad ng pagtatayo ng mga klinika, eskwelahan at iba pang serbisyong medical at enheneriya tulad ng paggawa ng daan at kalsada, tulay at iba pang imprastraktura ay ipinauubaya na at ginagampanan ng mga tropang Amerikano.

Sabwatang Imperyalismong US at Pangkating Arroyo Laban sa Sambayanang Pilipino, (tags)

Mahigpit at mariing kinokondena ng AJLPP o Alliance-Philippines-USA ang sukdulang kawalang-hiyaan ng pasistang rehimeng US-Arroyo sa pagmamalaki nito sa kasalukuyang kontra-terorismong todo gyera laban sa sambayanang Pilipino. Kasumpa-sumpa ang pagiging nuno sa karagapalan ng pasistang gobyerno . Dahil pati ang usaping ng pagtulong kanhit pakunwari na dating ginagawa ng mga sundalong Pilipino, ngayon ay inaasa na sa mga mapanakop na sundalong Amerikano lalo na sa mga lugar na malakas ang NPA at ang MILF.

ignored tags synonyms top tags bottom tags