fix articles 111706, mga magsasaka
REKONSENTRASYON NG LUPA SA CAGAYAN VALLEY (tags)
Lumalala ang unti-unting rekonsentrasyon ng mga lupain sa kamay ng mga bagong tipong panginoong maylupa sa Cagayan Valley. Naiilit ang mga lupa ng mga magsasaka o kaya’y naoobliga silang magbenta nito dahil hindi na nila mabayaran ang kanilang mga inutang. Ito ang inuulat ng isang bagong pag-aaral na nasagap ng Pesante-USA mula sa pahayagang lihim- ANG BAYAN, isyu na nailatahala nitong Disyembre 21, 2008.
REBOLUSYONG AGRARYO , SAGOT SA ANTI- MAGSASAKANG CARP/ HUWAD NA REPORMA SA LUPA (tags)
ng plano ng rehimeng US-Arroyo na palawigin pa nang limang taon ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ay taliwas sa pagsusulong ng interes ng masang magsasakang matagal nang naghahangad ng tunay na reporma sa lupa. Walang ibang layunin dito ang rehimeng US-Arroyo kundi ang patuloy na linlangin at apihin ang masang magsasaka at ibulsa ang malaking pondo nito. Tulad ng lahat ng nagdaang programa sa reporma sa lupa ng reaksyunaryong estado, ang CARP ay huwad at walang tunay na kaugnayan sa repormang agraryo. Nagsilbi lamang ito para lalong pagtibayin ang monopolyong kontrol ng mga lupain sa bansa, at ibukas ang mga ito sa mga dayuhan alinsunod sa imperyalistang patakarang "globalisasyon."
MGA TAGUMPAY NG KILUSANG MAGBUBUKID SA PILIPINAS (tags)
Ipinahayag ngayon ng rebolusyonaryong kilusang sa Pilipinas ang mga tagumpay ng pakikibakang agraryo ng mga magsasaka sa iba't ibang panig ng bansa. Ayon sa pahayag sa internet ngayong Hunyo 22, 2007, sa kabila ng panggigipit at pandarahas n reaksyunaryong estado, tuluy-tuloy na umaan ng mga tagumpay sa mga pakikibaka niton nagdaang 20 taon ang masang magbubukid sa bansa Kabilang sa pinakatampok ang tagumpay ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa Hacienda Luisita noong 2004. Sa pamamagitan ng militanteng pakikibaka at paglulunsad ng malawakang welga, natamo ng masang magsasaka ang malawak na suporta at tagumpay sa kanilang paglaban sa stock distribution option bukod sa iba pang mga kahilingan, kabilang ang pagbabalik sa mga sinesanteng manggagawa ng Central Azucarera de Tarlac at pagtataas sa sahod nila at ng mga manggagawang bukid.