fix articles 119136, ng katipunan Los Angeles Indymedia : tag : ng katipunan

ng katipunan

MABUHAY ANG ARAW NG PAGKATATAG NG KATIPUNAN! (tags)

Nagpupugay ang Kilusang Dekada 70, ang organisasyon ng mga aktibista sa Amerika sa araw ng pagkakatatag ng Katipunan, Hulyo 7, 1892- araw ng simula ng pambansang demokratikong rebolusyong ng lumang tipo 1896. Maalalang matapos ng ilang araw ng pagkakatatag ng repormistang La Liga Filipina ni Dr. Jose Rizal noong Hulyo 2 sa Maynila, dinakip ng mga awtoridad Espanol si Rizal at ipinatapon sa Dapitan, sa isla ng Mindanao. Dahil dito namatay ng kusa ang La Liga at ang pumalit na Liga De Compromisarios ni Mabini ay hindi na ring gumana. Sa halip na manahimik, si Andres Bonifacio, Deodato Arellano at Ladislao Diwa sila ay nagpasya na buuin ang Katipunan. Ang tatlong taong ito ay nagpasyang hindi na uubra ang mapayapang paraan at tanging armadong rebolusyon ang kinakailangan para mabago ang kaayusan at tapusin ang kolonyal na paghahari ng bayang Espana sa Pilipinas.

ignored tags synonyms top tags bottom tags