fix articles 12665, ni arroyo Los Angeles Indymedia : tag : ni arroyo

ni arroyo

ENRILE, TUTA NI MARCOS NOON< GALAMAY NI ARROYO NGAYON (tags)

Para Pesante -USA at sa mga mamayang Pilipino sa Amerika , ang pag-akyat ni Senador Juan Ponce-Enrile bilang Pangulo ng Senado ay pagbabadya ng mga masamang pangitain para sa bayan. Para sa isang tampok na tagapagtanggol at alyado ni Arroyo, ang pagpapalit ng pinuno sa Senado ay hudyat ng mga maniobra sa pulitika lalo na sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno bago mag-2010

Usapang pangkapayapaan sa MILF (tags)

Panloloko, pagtatraydor at pananabotahe ang ginagawa ng rehimeng Arroyo sa usapang pangkapayapaan nito sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Kunwa'y nakikipagnegosasyon ito sa MILF pero ang tunay na pakay ng rehimeng Arroyo ay gamitin ang prosesong pangkapayapaan para muling itulak ang pakana nitong charter change o pagbabago ng konstitusyon. Sakaling bumalik sa puspusang paglulunsad ng armadong pakikibaka ang MILF, gagamitin din itong sangkalan ni Arroyo para makapaglunsad ng todo-todong opensibang militar at magpataw ng emergency rule kundiman batas militar.

GMA- TUTA NA, MANHID PA (tags)

Kasuka-suka at kasuklam-suklam ang ipinakitang sukdulang pagpapakatuta ni Gloria Arroyo sa kanyang imperyalistang amo nang bumisita siya sa US nitong huling linggo ng Hunyo. Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong "Frank" sa Pilipinas, nilustay ni Arroyo ang kabang-yaman ng bayan sa walang kapararakan, magastos at magarbong pagbyahe. Malawakang galit at kaliwa't kanang batikos ang inudyok ng labis niyang pagwawalambahala sa kapakanan ng nagdurusang mamamayang Pilipino.

Sampal kay Arroyo (tags)

Sa kabila ng todo-todong pandaraya manipulasyon at pandarahas ng MalacaƱang a mga instrumento nito, di nagawang burahin an boto ng mamamayan laban sa rehimeng Arroyo Nakapagkamit ng makabuluhang tagumpay ang mg progresibong partido at oposisyon sa halalan s Senado, sa party-list, sa ilang pamahalaang lokal at distritong kongresyunal. Malaking sampal sa rehimeng US-Arroyo ang pangunguna ng mga oposisyunista at mga progresibong grupong party-list sa inisyal na resulta ng mga bilangan. Kahit sa mga balwarte umano ng mga alipures ni Arroyo tulad ng Cebu, Iloilo, Negros Occidental at Eastern Samar ay bigo silang tiyakin ang solidong boto para sa lahat ng kandidato ng MalacaƱang. Nangunguna sa halalan sa Senado ang nakararaming kandidato ng Genuine Opposition. Kabilang sa 12 na may pinakamataas na boto si dating Ltsg. Antonio Trillanes IV, isa sa mga lider ng pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 at isa rin sa mga pinakamariing tumutuligsa kay Gloria Arroyo. Ito'y sa kabila ng kanyang pagkakakulong ngayon sa Camp Bonifacio, kakulangan ng pera at makinaryang pangampanya.

ignored tags synonyms top tags bottom tags