fix articles 12788, niya
politikang sekswual sa pilipinas (tags)
Sexual politics in the Philippines now is on trial with the intervention of Eve Ensler's white supremacist-bourgeois "feminism" in the ONE BILLION RISING front via GABRIELA. This reveals US imperial maneuvers far beyond the alibi of "Vagina Monologues" and vitiates Gabriela's claim to vanguardism.
“Ang bulaan o sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.” Totoo ang kasabihang ito lalo na kung iisipin ang ginawang aklat ni Senador Juan Ponce-Enrile . ang mahigit sa 700 pahinang “Memoirs” para magbangong puri At ikampanya ang sarili at ang anak nitong tumatakbong senador sa susunod na taong eleksyon. May masidhing pagnanais na gumawa ng sariling kasaysayan, ipinasulat pa ni Enrile sa isang dating aktibista na sa akala niya ay may natitira pang bango, kay Nelson Navarro, dating tagapagsalita ng Movement for A Democratic Philippines (MDP) ang kanyang aklat na diumano ay kanyang sinulat ng mahigit sampung taon. Si Navarro din ang sumulat ng aklat tungkol kay Dr. Nemesio Prudente, dating pangulo ng PUP.
BINATIKOS ANG PAHAYAG NI AQUINO III (tags)
-Ayon sa grupong tagapamalita ng ALLIANCE NEWS na nakabase sa Los Angeles, Ipinahayag ngayon ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas na pawang kasinungalingan at panakip-butas ang laman ng talumpati ni Benigno Aquino III sa pagbubukas ng reaksyunaryong kongreso noong Hulyo 25. Pilit niyang pinalalabas na gumaganda na ang kalagayan ng bansa at patuloy ang mga pagbabago. Tinangka niyang ibalik ang tiwala ng mamamayan sa reaksyunaryong gubyerno. Pero sa desperasyon niyang takpan ang katotohanan, lalo lamang niyang ihiniwalay ang kanyang rehimen sa mamamayan. Dinagdagan lamang ni Aquino ang kawalan ng tiwala at pag-asa ng bayan sa naghaharing sistema.
HINGGIL SA PAPASOK NA REHIMENG AQUINO (tags)
Nanalo si Noynoy Aquino dahil sa bago maghalalan siya ang pinili ng mga imperyalistang Amerikano at mga lokal na naghaharing uri ng malalaking komprador at asendero na maging bagong pangulo ng naghaharing sistema. Sa kabila ng pagkukunwaring umaasa siya sa piso-piso mula sa karaniwang mga tao, sa kanya idinagsa ng malalaking negosyanteng dayuhan at Pilipino ang kanilang suporta sa kampanya. Sa kalaunan ng kampanya, hinigitan ni Noynoy si Manny Villar sa paglikom at paggamit ng pera para sa iba't ibang tipo ng propaganda. Sinuportahan si Noynoy ng malaking mass media. Tuso sa propaganda ang mga alalay niya. Para mapagtakpan ang kasalatan niya sa track-record at kakayahan, pinatingkad ng kanyang media handlers ang palagay na siya ay malinis na tagapagmana ng tatay at nanay niya at ang pagbatikos sa korapsyon ng rehimeng Arroyo. Kaugnay nito, sa pariralang Villaroyo, tumalab ang hambalos ng kampong Noynoy na ahente ni Arroyo si Villar dahil hindi siya umaatake kay Arroyo. May mga palatandaan din na sa automated electoral system ng Smartmatic, na kontrolado ng US at mga ahente nila, may naganap na preprogramming para panaluhin sina Aquino at Binay. Halatang kinabigan ng napakalaking boto sina Manny Villar at Loren Legarda. Overkill at di kapanipaniwala ang biglang pagbagsak nila. May mga ulat na matataas na kinatawan ng CIA, pamilya ni Aquino at rehimeng Arroyo ang nagpasya sa pre-programming anim na linggo bago araw ng halalan. Ang pag-uusap nina Pinky Aquino-Abellada at Ginang Arroyo ang nagbigay daan sa ganitong areglo.
FRANCIS MAGALONA- ARTISTA NG BAYAN (tags)
Nagpupugay, sa huling pagkakataon at pinararangalan ng Alliance-Philippines (AJLPP) kasama ng komunidad ng Pilipino-Amerikano ang makabayang artista na kilala sa tawag na “master Rapper” Francis Magalona.na sumakabilang buhay noong March 6, 2009 sa maynila. Si Francis Magalona pangunahin na ay isang makabayan. Ito ay ipinakita niya sa kanyang mga likhang sining lalo na sa musika. Nagsikap siyang iangat ang kanyang sining sa antas ng kanyang mga kababayan at nagtagumpay siya. Kinikilala ng AJLPP si Magalona dahil hindi lamang siya nagbigay ng aliw kundi inilakip niya ang sining sa buhay ng kanyang bayan at mga kababayan. Kaya nga kanyang rap ay umangkop sa kultura at sining ng Pilipino hindi lamang ng panggagagad ng dayuhan kundi pagpapayaman ng porma nito.
GMA- TUTA NA, MANHID PA (tags)
Kasuka-suka at kasuklam-suklam ang ipinakitang sukdulang pagpapakatuta ni Gloria Arroyo sa kanyang imperyalistang amo nang bumisita siya sa US nitong huling linggo ng Hunyo. Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong "Frank" sa Pilipinas, nilustay ni Arroyo ang kabang-yaman ng bayan sa walang kapararakan, magastos at magarbong pagbyahe. Malawakang galit at kaliwa't kanang batikos ang inudyok ng labis niyang pagwawalambahala sa kapakanan ng nagdurusang mamamayang Pilipino.
Rebolusyonaryong pagpupugay kay Navy Capt. Danilo "Ka Dan" Vizmanos (tags)
Nagpupugay ang buong rebolusyonaryong kilusan kay retired Capt. Danilo "Ka Dan" Vizmanos, masugid na anti-imperyalista at demokratang intelektwal, tapat na lingkod at aktibista para sa bayan, tunay na kawal at bayani ng rebolusyon at sambayanang Pilipino. Pumanaw si Ka Dan noong Hunyo 23 sa edad na 79 sa sakit na prostate cancer. Si Ka Dan ay nagsilbing maningning na halimbawa ng mga upisyal ng pasistang militar na tumatalikod at nagtatakwil sa imperyalismo, sa papet na reaksyunaryong estado at sa pasistang hukbo nito. Taos-puso niyang niyakap ang mga demokratiko at rebolusyonaryong simulain, lubusang pumanig sa rebolusyon at mamamayan, at puspusang lumahok sa kanilang pakikibaka. Huwaran siya sa katatagan sa prinsipyo, pagiging makatotohanan, masipag, pursigido, mapagkumbaba, at malapit sa mga kasama at sa mamamayan. Itinatanghal siya at pinararangalan ng sambayanang Pilipino.
Iligal na pang-aaresto at panggigipit mula Marso hanggang unang linggo ng Abril (tags)
Iligal na pang-aaresto at panggigipit ang tampok sa mga paglabag sa karapatang-tao ng rehimeng Arroyo nitong nakaraang Marso 10 hanggang Abril 3.
On the Death/Martyrdom of Ilagan Mayor Delfinito Albano (tags)
Pesante- USA reprinted the Tagalog Statement of the NDFP-Cagayan Valley re the murder of Ilagan Mayor Delfinito Albano who was murdered by unknown assailants in Metro Manila. Ilagan is the provincial capital of Isabela where agrarian or land problems is very grave. Ilaga is also the area where the 11,000 Hacienda San Antonio and Sta Isabel, now the crisis area of land problems in the Philippines is located. Foreign corporations are trying to gran the lands of peasants opening up coal mining and cassava plantations in the traditionally rice and corn lands in the area. Mayor Albano took the side of the lowly peasants that is why he became a marked man. Pesante condoles with the Albano family on the untimely death and martyrdom of one of the servants of the people.