fix articles 131637, nobyembre Los Angeles Indymedia : tag : nobyembre

nobyembre

Konsultant ng NDFP, dinukot ng militar (tags)

Napabalita ngayon na diumano dinukot noong Nobyembre 28 ng mga elemento ng 5th ID ,Philippine Army (PA) si Elizabeth Principe, 56, konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), matapos siya magpatsek-ap sa Quezon City.

Ipagdiwang ang Ika-144 Taong Kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio (tags)

Buong giting na ipagbubunyi ng Pesante-USA bilang nagtataguyod ng layunin ng mga magsasaka at anak-pawis na Pilipino sa Amerika, ng karapatang pangtao at kalikasan ang ika-144 na taong kaarawan ng dakilang proletaryo, Andres Bonifacio – tagaptatag ng Katipunan ngayong ika –30 ng Nobyembre 2007. Naging dramatiko ang pagdiriwang dahil sa araw ring ito noong 1964 itinatag ang Kabataang Makabayan(KM) na nagbandila ng bagong kilusang pampropaganda na naghawan ng landas sa armadong rebolusyon. Dramatiko rin ang protesta ng ginawa ng mga rebeldeng military na pinamumuan nina General Lim at Ltsg. Antonio Trilannes IV ang paglilitis at omukupa sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City laban sa pangigipit ng administrasyong US-Gloria Macapagal-Arroyo.

Pahayag ng AJLPP-USA Para Nobyembre 30, 2006 (tags)

Buong pagmamalaking ipinagdiriwang natin lalo ng Alyansa para Tunay at Pangmatagalang Kapayapaan sa Pilipinas (AJLPP)-USA ,ang ika 143 taong kaarawan ng dakilang Supremo Andres Bonifacio, ang tagapagtatatag ng Katipunan na tumapos sa mahigit sa 300 daang taong paghahari ng Kolonyalismong Espanya sa Pilipinas, Nobyembre 30, 1863. Eksaktong sa ika 101 taong ng kanyang kaarawan, itinatag naman ang organisasyong Kabataang Makabayan (KM) noong Nobyembre 30, 1964. Kasunod nito, nagtatag din ng iba’t-ibang organisasyong kabataan ang mga estudyante at kabataan at mga nasa komunidad tulad ng Samahang Demokratikong Kabataan (SDK), Katipunan ng Kabataang Demokratiko (KKD), Samahang Molabe (SM), Kamanyang at iba pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Mula noon, nag-iba na ang takbo ng kasaysayan. Mula sa mga maliit na aksyong masa, unti-unti ito ay lumaki at nagiging matutunog na pagkilos. Noong Oktubre 24, 1966 hanggang sa pagsiklab ang welga ng mga guro noong unang hati ng 1969 hanggang sa malakihang mga welgang estudyante na yumanig sa buong Pilipinas. Hanggang sa pumutok ang Sigwa ng Unang Kwarto noong Enero 1970.

Pahayag ng Pesante-USA hinggil sa Nakatakdang Paghuhukom sa Kaso ni “Nicole” sa Dis.4 (tags)

Ngunit wala ito sa bokabularyo ng mga reaksyunaryo ang pagmamahal sa bayan. Lalo na sa mga namununo sa pangkating pasistang US-Arroyo. Dahil sa ito ay walang pagsidlan sa kawalanghiyaan at ang taning layon ay ipagbili ang bayan sa pinakamalaking halaga na kanilang mahuhuthot. Kitang-kita ito sa kanilang pagtatangol sa Imperyalismong US at sa mga kawal ng Amerika na lumapastangan sa isang Pilipina noong Nobyembre 2005. Sa halip na kampihan at ipagtanggol ang Pilipina, nilait, halos ipinagbili at inalipusta pa nila ang pamilya ng nagsakdal at lantarang kumampi sa apat na lapastangan. Ngayon, kahit ang hustisya ay binabalam dahil sa paglilipat ng desisyon mula Nobyembre 27 tungo ng Disyembre 4. Lubhang pinanabaki nila ang sambayanan sa hatol na nakabitin.

ignored tags synonyms top tags bottom tags