fix articles 131648, noong oktubre Los Angeles Indymedia : tag : noong oktubre

noong oktubre

GYERA SA MINDANAO-LUMALALA (tags)

Ayon sa pinakahuling ulat ng grupong Pesante-USA, parami nang parami ang bilang ng mga sibilyang Morong binibiktima ng mababangis na operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilang bahagi ng Mindanao. Ayon sa ulat ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na nahalaw ng Pesante, noong Oktubre 29, sa mga evacuation center sa Datu Piang, Maguindanao pa lamang ay mayroon nang 55,000 indibidwal na nagsilikas sa kani-kanilang mga tahanan, mula sa 35,000 katao noong Agosto. Mula Agosto hanggang ikatlong linggo ng Oktubre, umaabot na sa 127,164 pamilya o 611,753 indibidwal ang naaapektuhan ng mga sagupaan sa pagitan ng MILF at AFP sa mga prubinsya ng Lanao del Norte, Lanao del Sur, Sultan Kudarat at Maguindanao.

Pahayag ng AJLPP-USA Para Nobyembre 30, 2006 (tags)

Buong pagmamalaking ipinagdiriwang natin lalo ng Alyansa para Tunay at Pangmatagalang Kapayapaan sa Pilipinas (AJLPP)-USA ,ang ika 143 taong kaarawan ng dakilang Supremo Andres Bonifacio, ang tagapagtatatag ng Katipunan na tumapos sa mahigit sa 300 daang taong paghahari ng Kolonyalismong Espanya sa Pilipinas, Nobyembre 30, 1863. Eksaktong sa ika 101 taong ng kanyang kaarawan, itinatag naman ang organisasyong Kabataang Makabayan (KM) noong Nobyembre 30, 1964. Kasunod nito, nagtatag din ng iba’t-ibang organisasyong kabataan ang mga estudyante at kabataan at mga nasa komunidad tulad ng Samahang Demokratikong Kabataan (SDK), Katipunan ng Kabataang Demokratiko (KKD), Samahang Molabe (SM), Kamanyang at iba pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Mula noon, nag-iba na ang takbo ng kasaysayan. Mula sa mga maliit na aksyong masa, unti-unti ito ay lumaki at nagiging matutunog na pagkilos. Noong Oktubre 24, 1966 hanggang sa pagsiklab ang welga ng mga guro noong unang hati ng 1969 hanggang sa malakihang mga welgang estudyante na yumanig sa buong Pilipinas. Hanggang sa pumutok ang Sigwa ng Unang Kwarto noong Enero 1970.

ignored tags synonyms top tags bottom tags