fix articles 137823, rehimen
PAHAYAG NG PESANTE-USA SA PLANONG PAGPAPALAYA KAY ROLITO GO (tags)
Saksakan ng kawalang walang budhi at sadyang maiitim ang buto. Kung mailalarawan lamang ng mga salitang ito ang mga kagagawan ng rehimeng Arroyo, marahil sasapat na sabihin kung gaano kasama ang ginagawa ng rehimen sa mga mamamayan nito. Baka parang asin na natunaw na sila kung sila ay may kahihiyan. Sukdulan na ang pagiging walanghiya ang rehimen. Matapos bigyan ng patawad ang mga nagkasalang kriminal tulad nina Manero, Martinez , Claudio Teehanke Jr. na walang awang pumatay ng dalawang kabataan noong 1991. At ngayon naman plano diumano ng rehimeng Arroyo na palayain si Rolito Go.
Panayam ng Pinoy Weekly kay Prof. Jose Ma. Sison (tags)
Kunwaring nagpapanukala ng general amnesty ang rehimen para palitawin na ito ay nasa mataas na posisyong moral at politikal. Sa katotohanan, ang rehimen ay imoral at kaaway ng sambayanang Pilipino dahil sa pagtataksil at pagkapapet sa imperyalista, korap at mapagsamanatala, malupit, nagpapairal ng terorismo ng estado at madugong mapanlabag sa mga karapatang tao. Ang pag-aasta ng rehimen na handang magbigay ng general amnesty ay isang anyo ng tusong paghahanda sa implementasyon ng Human Security Act o Anti-Terror Law. Parang sinasabi ni Ermita bilang Torquemada ng Anti-Terrorist Council na dapat sumuko na lahat ng oposisyon sa rehimeng Arroyo bago ipataw sa kanila sila ang Anti-Terror Law.
Samantalahin ang lumalalim na krisis pampulitika (tags)
Ang naghaharing rehimeng Arroyo na mismo ang lumilikha ng kundisyon para sumambulat ang tumitinding krisis pampulitika at humantong ito sa maigting na pagtutuos sa pagitan nito at ng mamamayan. Sa desperadong pagpupumilit ng rehimen na makapangunyapit sa poder lampas pa sa 2010, ginawa nito ang lahat para maipanalo ang mga kandidato nito sa kagaganap na eleksyon. Nagsagawa ito ng todo-todong pandaraya at maruruming maniobra, panggigipit sa mga kalaban at malawakang paghahasik ng karahasan.
Pagpaslang kay Bishop Ramento, tanda ng kalupitan ng rehimeng Arroyo (tags)
Ang karumal-dumal na pagpaslang noong Oktubre 3 kay Bishop Alberto Ramento, makamasa at patriyotikong tagapangulo ng Supreme Council of Bishops ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) ay tanda ng pagtindi ng kalupitan ng rehimeng US-Arroyo sa kampanya nito ng pamamaslang sa mga kritiko nito at paghahasik ng lagim sa lumalabang mamamayan.