fix articles 180673, kalagayang katulad
Ipagdiwang ang Hunyo 12, 1898 ! (tags)
Ipinagdiriwang natin—ng Alyansa Pilipinas (AJLPP) at komunidad Pilipino sa Amerika ang ika-112 Araw ng kalayaan mula sa koloyalismong Kastila, Hunyo 12, 1898 . Sa dakilang araw na ito, habang sa Pilipinas, buong pagmamalaking pumaparada ang sandatahang lakas ni Gloria para siya bigyan ng pamamaalam at ang paksa ng parangal sa Luneta ay ang mga nagawa ng kanyang siyam na taong paghahari, pinaalalahanan natin ang ating sarili na tuloy ang ating pakikibaka Batid nating uupo ang bagong pangulong galling sa isang lumang pampulitikang dinastiya at mananatiling banta sa kanyang pamamahala ang sakim na si PGMA na nagiwan ng mahabang listahan ng pagmamalabis, lagim at pandarambong na halos kapantay o higit pa sa diktador na si Marcos. Dapat pa tayong humanda sa mas magiting at matindi pang pakikibaka. Ngayon pa lamang tiyak na mas tuso, garapal at marunong ang bagong pangulong si Noynoy Aquino. Kung tuso si Gloria at walang habag, alalahaning galing sa pamilyang warlord si Noynoy na may suporta sa showbiz , mga korporasyon sa media at uring asendero kayat paborito ng imperialismong dayuhan.