fix articles 19418, tatlong
ABUSO NG MILITAR LUMULUBHA SA SAMAR-LEYTE (tags)
Ibinabalita ngayon ayon sa mga nalikom na balita ng Pesante New na lumulubha ang paglabag sa karapatang pantao sa mga isla ng Samar at Leyte. Ito ang iniulat ng mga grupong pangkarapatang pantao sa Pilipinas. Ang mga abusong militar diumano ay dahil sa sa sunud-sunod na kabiguan ng militar na puksain ang rebolusyonaryong kilusan sa Eastern Visayas, ipinatutupad dito ng 8th Infantry Division ng Philippine Army (8ID-PA) ang mababagsik na operasyong militar na bumibiktima sa maraming sibilyan.
OPERASYONG MILITAR SA MINDANAO, LUMALALA (tags)
iulat ng Pesante-USA ang napabalitang malawakang operasyong militar sa Sulu at Davao, malawakang pagpapalikas pambubugbog at iligal na pang-aaresto ang tampok sa mga paglabag sa karapatang-tao noong buwan ng Abril.
PAMAMASISTA NG REHIMENG-US ARROYO, LUMALALA (tags)
Patuloy na lumalala ang ang panggigipit at panunupil ng pasistang rehimeng Arroyo sa mamamayang Pilipino. Ayon sa ulat ng AJLPP mula sa iba’t-ibang panig ng Piipinas, Pinakatampok nitong Agosto ang pagmamanman at harasment sa tatlong upisyal ng Gabriela Network USA. Bagamat nakauwi na sa Amerika ang tatlong myembre ng Gabriela Network-USA, binatikos ni Kinatawan Liza Maza ang pangigipit ng estado sa isang talumpati sa mababang kapulungan ng Kongreso. Samantala, tatlong myembro rin ng Anakpawis ang dinukot sa Zamboanga del Sur habang pinag-iibayo ang panggigipit sa mamamayang Moro. Umabot na rin sa may 25,000 mamamayang Bangsa Moro sa isla ng Basilan at Sulu ang naging biktima ng pagpapalikas ng military dahil sa pinag-ibayong operasyong military ng AFP sa dalawang lugar. Mahigit na 100 sundalo na ng AFP at ng Abu Sayaff ang napatay sa sunud-sunod na labanan.