fix articles 19419, sundalo
TUMITINDI ANG BAKBAKAN NG NPA AT AFP SA AURORA (tags)
Ibinalita ngayon ng PESANTE NEWS na nakabase sa Los Angeles na nakalap mula sa internet wires na umiigting na labanan sa pagitan ng mga New People?s Army (NPA) at ng mga tropa ng 48th IB Philippine Army sa probinsya ng Aurora, sa hilagang bahagi ng Central Luzon. Ayon sa PESANTE NEWS, isang engkwentro ang naganap sa pagitan ng mga pwersa ng NPA Aurora at mga tropa ng 48th ?Cedula/Berdugo? Battalion sa kabundukan ng Brgy. Dikapinisan, San Luis, Aurora noong Agosto 23, 2011. Ito ay nagsimula ng ganap na alas-6:30 ng umaga. Naka-maniobra palayo ang yunit ng NPA pag-abot ng alas-7 ng umaga. Nagpatuloy ang walang direksyong pagpapaputok ng mga militar hanggang lampas tanghali nang magdatingan ang kanilang sumaklolong helicopter . Malaki ang pinsala ng mga sundalo ng 48th IB. Ayon sa mga mapagkakatiwalaang mga impormante sa hanay mismo ng militar, pulisya, at marami pang mga sources ng kilusan, aabot ng 7 ang napatay na mga sundalo sa labanan, at 6 ang mga sugatan.
KONSULTANT NG NDF ILEGAL NA INARESTO (tags)
Inulat ng balitaan ng PESANTE-USA na iligal na inaresto ng mga militar at pulis ang isang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa usapang pangkapayapaan. Mahigit na 20 tauhan na ng NDF ang inaaresto ng AFP mula ng matigil ang usapang pangakapayapaan noong 2004. Samantala. wala ring patid ang pagsalbeyds at pagpapahirap ng mga tropa ng AFP sa mga sibilyang pilit na isinasangkot sa armadong kilusang rebolusyonaryo. Ito ang ulat sa iba't ibang bahagi ng bansa na nilikom ng Pesante News.