fix articles 19931, supremang
NHUSTISYA PINAIIRAL NG KORTE SUPREMANG CORONA SA DESISYONG PABOR KAY WEBB (tags)
Tulad ng inaasahan, ngunit nakakabigla pa rin--ipinawalang-sala ng bulok na Korte Supremang Corona si Hubert Webb at ang mga kasamahan nitong napatunayan ng nakababang korte na may sala sa karumaldumal na krimeng masaker sa Pamilya Vizconde. Ipinaabot ng Pesante-USA na nakabase sa Amerika ang taus-pusong pakikiramay sa ama ng pamilyang Vizconde na si Lauro Vizconde na muling binigyan ng korona ng patay ng Korte Supremang Corona na sagad sa buto ang kawalang hustisya.
Hinggil sa Desisyon ng Korte Supremang Corona laban sa Pangkating Aquino pabor sa pangkat (tags)
Ipinahayag ngayon ng Alliance-Philippines o AJLPP nakabase sa Amerika na ang nakaraang desisyong Korte Supremang Corona na pinili ni GMA na nagbasura sa bisa ng Truth Commission na nilikha ng pangkating Aquino III ay patunay na pinaglalaruan lamang ng kasalukuyang rehimeng Aquino III at ng nakaraang pasistang rehimeng GMA ang masang Pilipino. Sinabi din ng AJLPP na tiyak na gagawing katwiran ng rehimeng Aquino III na “ hindi niya kayang usigin si GMA’ dahil sa utos ito ng batas” at kunwang susunod na batas.Isang tunay na moro-moro at sarswelang dinerekta ng amo niyang Imperyalismong US. Makasaysayang ang araw na ito ng Disyembre 7 dahil ito ay pataksil na salakay ng Hapon laban sa Amerika noong Disyembre 7, 1941 sa Pearl Harbor, Hawaii. Kahalintulad ito ng atake ng Korte Suprema ni Corona sa masang Pilipino.