fix articles 20643, amerikano
Sabwatang Imperyalismong US (tags)
Mahigpit at mariing kinokondena ng AJLPP o Alliance-Philippines-USA ang sukdulang kawalang-hiyaan ng pasistang rehimeng US-Arroyo sa pagmamalaki nito sa kasalukuyang kontra-terorismong todo gyera laban sa sambayanang Pilipino. Kasumpa-sumpa ang pagiging nuno sa karagapalan ng pasistang gobyerno . Dahil pati ang usaping ng pagtulong kanhit pakunwari na dating ginagawa ng mga sundalong Pilipino, ngayon ay inaasa na sa mga mapanakop na sundalong Amerikano lalo na sa mga lugar na malakas ang NPA at ang MILF. Dati-rati mula sa panahon ng mga naunang papet na presidente, ang mga civic action (Civac) na ngayon ay tinatawag na “Humanitarian Missions” ay ginagawa ng AFP at ng gobyerno ng Pilipinas. Ngayon, ayon sa kanilang kasunduan, ang Civac o “humanitarian missions’ tulad ng pagtatayo ng mga klinika, eskwelahan at iba pang serbisyong medical at enheneriya tulad ng paggawa ng daan at kalsada, tulay at iba pang imprastraktura ay ipinauubaya na at ginagampanan ng mga tropang Amerikano.
Sabwatang Imperyalismong US at Pangkating Arroyo Laban sa Sambayanang Pilipino, (tags)
Mahigpit at mariing kinokondena ng AJLPP o Alliance-Philippines-USA ang sukdulang kawalang-hiyaan ng pasistang rehimeng US-Arroyo sa pagmamalaki nito sa kasalukuyang kontra-terorismong todo gyera laban sa sambayanang Pilipino. Kasumpa-sumpa ang pagiging nuno sa karagapalan ng pasistang gobyerno . Dahil pati ang usaping ng pagtulong kanhit pakunwari na dating ginagawa ng mga sundalong Pilipino, ngayon ay inaasa na sa mga mapanakop na sundalong Amerikano lalo na sa mga lugar na malakas ang NPA at ang MILF.
PAHAYAG NG PESANTE SA PAGHUHUKOM SA KASO NI NICOLE (tags)
“Walang Pinakamahalaga sa isang Banda kundi ang Kalayaan” Ito ang pahayag ni Ho Chi Minh na nagging gabay ng lahat ng makabayang Byetnames sa kanilang pakikibaka laban sa mananakop na Pranses at Amerikano. “ Aling pag-ibig pa ang hiigit kaya, sa pagkadalisay at pagkadakila, gaya ng pag-ibig sa sa sariling lupa, anung pag-ibig pa, wala na nga, wala.” Ito naman ang tula ni Andres Bonifacio na hanggang ngayon ay gumagabay sa mga makabayang Pilipino upang ipaglaban ang soberanya ng ating bayan. Ngunit wala ito sa bokabularyo ng mga reaksyunaryo lalo na sa mga namununo sa pangkating pasistang US-Arroyo. Dahil sa ito ay walang pagsidlan sa kawalanghiyaan at ang taning layon ay ipagbili ang bayan sa pinakamalaking halaga na kanilang mahuhuthot.