fix articles 22056, mga elemento
Kaso ng Masaker Sa Sulu Isasampa ng SBM at MILF sa UN (tags)
- Isasampa ng Suara Bangsamoro o Suara at ng Mor Islamic Liberation Front sa United Nations Huma Rights Council ang karumal-dumal na masaker ng mg elemento ng Special Warfare Group ng Philippine Nav at Light Reaction Company ng Philippine Army sa walong sibilyan sa Ipil, Maimbung, Sulu noong madaling araw ng Pebrero 4. Ito'y matapos absweltuhin ng AFP ang mga sundalong responsable sa masaker. Ayon kay Amira Lidasan, pambansang pangulo ng Suara, hindi kapani-paniwala ang resulta ng imbestigasyon ng AFP na nagsasaad na may nangyaring labanan sa pagitan ng militar at mga elemento ng Abu Sayyaf. Wala pa mang imbestigasyon ay idineklara na dati ng AFP na pawang mga elemento o tagakanlong ng Abu Sayyaf ang mga biktima. Inulit lamang ito ng AFP nang ianunsyo nitong Pebrero 28 ng Judge Advocate General's Office ng Western Mindanao Command ang pagkaabswelto ng mga sangkot na sundalo matapos ang sariling imbestigasyong ginawa umano ng militar.