fix articles 22530, ng rehimeng arroyo Los Angeles Indymedia : tag : ng rehimeng arroyo

ng rehimeng arroyo

PAHAYAG NG PESANTE-USA SA PLANONG PAGPAPALAYA KAY ROLITO GO (tags)

Saksakan ng kawalang walang budhi at sadyang maiitim ang buto. Kung mailalarawan lamang ng mga salitang ito ang mga kagagawan ng rehimeng Arroyo, marahil sasapat na sabihin kung gaano kasama ang ginagawa ng rehimen sa mga mamamayan nito. Baka parang asin na natunaw na sila kung sila ay may kahihiyan. Sukdulan na ang pagiging walanghiya ang rehimen. Matapos bigyan ng patawad ang mga nagkasalang kriminal tulad nina Manero, Martinez , Claudio Teehanke Jr. na walang awang pumatay ng dalawang kabataan noong 1991. At ngayon naman plano diumano ng rehimeng Arroyo na palayain si Rolito Go.

Usapang pangkapayapaan sa MILF (tags)

Panloloko, pagtatraydor at pananabotahe ang ginagawa ng rehimeng Arroyo sa usapang pangkapayapaan nito sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Kunwa'y nakikipagnegosasyon ito sa MILF pero ang tunay na pakay ng rehimeng Arroyo ay gamitin ang prosesong pangkapayapaan para muling itulak ang pakana nitong charter change o pagbabago ng konstitusyon. Sakaling bumalik sa puspusang paglulunsad ng armadong pakikibaka ang MILF, gagamitin din itong sangkalan ni Arroyo para makapaglunsad ng todo-todong opensibang militar at magpataw ng emergency rule kundiman batas militar.

Usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at GRP nais ibagsak ng rehimeng Arroyo (tags)

Lubos na kaisa ang Pesante-USA sa pahayag ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ”Ang rehimeng Arroyo ang responsable sa pagbagsak ng usapang pangkapayapaan.” Naninidigan ang Pesante-USA bilang isang grupong nagtataguyod ng karapatang-pantao at kapayapaan sa Pilipinas na dapat maging seryoso ang GRP sa pakikipagnegosasyon sa MILF at manghinayang sa mangyayari kung babalik sila sa pang-uupat ng digmaan na kumitil na ng maraming buhay sa nakaraan.

Peace Talks ng MILF at GRP Nais ibagsak ng rehimeng Arroyo (tags)

”Ang rehimeng Arroyo ang responsable sa pagbagsak ng usapang pangkapayapaan.” Ito ang pahayag ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos mabigo noong Setyembre 7 ang ika-13 exploratory talks (mga usapan para makapaghanap ng kalutasan sa di pagkakasundo) sa pagitan ng mga kinatawan nito at ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP).

ignored tags synonyms top tags bottom tags