fix articles 25667, amerika
MURDEROUS, MORTIFYING, MACABRE AMERIKA (tags)
See evidence of moral breakdown of murderous usa. Thank you.
Balik-Tanaw sa pagtatanghal “Romansa ni Magno Rubio” (tags)
Magaan ang dating ngunit mabigat at madamdamin ang palabas o dulang “Romansa ni Magno Rubio” na itinatanghal ngayon sa Los Angeles. Bagamat sa Ingles ko napanood ang pagtatanghal, napanatili nito ang damdaming Pilipino. Mapusok, galit ngunit romantikong makapapangyarihang pagsasalarawan ng kalagayan ng mga manggagawang-bukid ( farm workers) na Pilipino sa panahon ng kolonya pa ng Amerika ang Pilipinas . Ibinatay ang dula sa isang maikling kwento ni Carlos Bulusan.
US Declares War! On Democratic Dissent? (tags)
With the brutal police violence widely employed against Occupy, one must ask what kind of government and police perpetrate such acts upon those exercising their rights to free speech and assembly? We have seen this in police or fascist states, but here...has Amerika murdered America?
“Problema ang Makata”-Alay Kay Randy maguigad ng Chicago, 1989-2010 (tags)
laging mainit, panahon sa timog amerika lunan daw at pugad ng mga makata silang laging pangarap ang katubusan ng bayang pinakamamahal bansang inalipin at dinusta ng pendehong peninsulares mula sa espanya ng iustradong mga anak, maging apo nila silang lumalangoy sa dugo semilya ng mga de goiti, salcedo't legazpi silang inaruga ng mga indian ng timog amerika pero pambubusabos ang isinukli pa silang nagwasak ng templo ng pagmamahal ng katutubong ritwal at awit ng pag-asa silang nagluklok sa altar ng dusa ng santo't santang mula sa europa ilong matatangos, mangasul-ngasul ang mata!
Ipagdiwang ang Hunyo 12, 1898 ! (tags)
Ipinagdiriwang natin—ng Alyansa Pilipinas (AJLPP) at komunidad Pilipino sa Amerika ang ika-112 Araw ng kalayaan mula sa koloyalismong Kastila, Hunyo 12, 1898 . Sa dakilang araw na ito, habang sa Pilipinas, buong pagmamalaking pumaparada ang sandatahang lakas ni Gloria para siya bigyan ng pamamaalam at ang paksa ng parangal sa Luneta ay ang mga nagawa ng kanyang siyam na taong paghahari, pinaalalahanan natin ang ating sarili na tuloy ang ating pakikibaka Batid nating uupo ang bagong pangulong galling sa isang lumang pampulitikang dinastiya at mananatiling banta sa kanyang pamamahala ang sakim na si PGMA na nagiwan ng mahabang listahan ng pagmamalabis, lagim at pandarambong na halos kapantay o higit pa sa diktador na si Marcos. Dapat pa tayong humanda sa mas magiting at matindi pang pakikibaka. Ngayon pa lamang tiyak na mas tuso, garapal at marunong ang bagong pangulong si Noynoy Aquino. Kung tuso si Gloria at walang habag, alalahaning galing sa pamilyang warlord si Noynoy na may suporta sa showbiz , mga korporasyon sa media at uring asendero kayat paborito ng imperialismong dayuhan.
GMA NG PILIPINAS AT URIBE NG COLOMBIA, PAREHONG PAPET AT PASISTA (tags)
Kamakailan dumalaw sa Colombia si Gloria Macapagal-Arroyo mula sa pagdalo sa APEC meeting sa Peru. Mahalagang suriin ang sanhi ng pagdalaw ni Arroyo sa Colombia. Ito ay sa harap ng lumulubhang suliranin ng paglabag sa mga karapatang pantao sa Pilipinas at parehong naganap na malubhang labanan sa pagitan ng FARC( pwersang armado rebolusyonaryo ng Colombia) at ng gobyerno ng Colombia at ng NPA/MILF sa Pilipinas. Halos magkapareho ang dalawang pangulo ng dalawang bansa. Si Alvaro Uribe ng Colombia at PGMA ng Pilipinas. Mayroon lamang pagkakaiba ang dalawa sa mga sirkumstansya at kasaysayan ng pagkakaluklok sa kapangyarihan. Ngunit matingkad ang pagkakatulad ng dalawa. Pareho silang pasista at papet ng Imperyalismong Amerikano.
PAHAYAG NG PESANTE-USA HINGGIL SA KALAMIDAD SA PILIPINAS (tags)
Kung may labis na nakahihiya ay yaong makita ang pangulo ng Pilipinas, Gloria Macapagal-Arroyo na namamasyal sa Amerika habang binabagyo ang kanyang bayan. Para sa Pesante-USA nmagsisilbing pang ginadgaran ng asin ang sugat, namustura pa at nagmiting sa NDCC ang pangulo habang nagpapakitang gilas sa Fresno, California. Sinesermunang galit ang kanyang walang silbing gabinete sa harap ng pinsala ng bagyo,baha at kapabayaan sa malaking trahedya ng paglubog ng MV Princess of the Stars sa Sibuyab Sea kung saan mahigit 700 ang nasawi.
Pahayag ng AJLPP-USA Para Nobyembre 30, 2006 (tags)
Buong pagmamalaking ipinagdiriwang natin lalo ng Alyansa para Tunay at Pangmatagalang Kapayapaan sa Pilipinas (AJLPP)-USA ,ang ika 143 taong kaarawan ng dakilang Supremo Andres Bonifacio, ang tagapagtatatag ng Katipunan na tumapos sa mahigit sa 300 daang taong paghahari ng Kolonyalismong Espanya sa Pilipinas, Nobyembre 30, 1863. Eksaktong sa ika 101 taong ng kanyang kaarawan, itinatag naman ang organisasyong Kabataang Makabayan (KM) noong Nobyembre 30, 1964. Kasunod nito, nagtatag din ng iba’t-ibang organisasyong kabataan ang mga estudyante at kabataan at mga nasa komunidad tulad ng Samahang Demokratikong Kabataan (SDK), Katipunan ng Kabataang Demokratiko (KKD), Samahang Molabe (SM), Kamanyang at iba pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Mula noon, nag-iba na ang takbo ng kasaysayan. Mula sa mga maliit na aksyong masa, unti-unti ito ay lumaki at nagiging matutunog na pagkilos. Noong Oktubre 24, 1966 hanggang sa pagsiklab ang welga ng mga guro noong unang hati ng 1969 hanggang sa malakihang mga welgang estudyante na yumanig sa buong Pilipinas. Hanggang sa pumutok ang Sigwa ng Unang Kwarto noong Enero 1970.
Hinggil sa Pagkansela ng Visa ni USEC Bolante sa Amerika (tags)
Nagulantang ang lahat ng arestuhin ng mga tuhan ng Imigrasyon ng Amerika si Jocelyn Bolante pagbaba nito sa paliparan ng Los Angeles. Diumano nakansela ang Visa nito at kung sino ang nagkansela ay isang naging bugtong na hindi masagot-sagot.Hindi ito gulong ng palad, ito ang sirkulo ng kawalanghiyaan ng isang angkang pampulitika na naging papet ng Imperyalismong US. Mula sa ama hanggang sa anak, iisang puno, iisang bunga Hindi ito gulong ng palad, ito ang sirkulo ng kawalanghiyaan ng isang angkang pampulitika na naging papet ng Imperyalismong US. Mula sa ama hanggang sa anak, iisang puno, iisang bunga!
Time is running out....
Help stop Ashcroft's "Patriot Act II," which would gut freedoms of speech and assembly, freedom from unreasonable search and seizure, the right to due process, and much more. The law would principally harm non-citizens. For information on upcoming events around LA, contact mim136@mim.org.