fix articles 26712, labanan Los Angeles Indymedia : tag : labanan

labanan

TUMITINDI ANG BAKBAKAN NG NPA AT AFP SA AURORA (tags)

Ibinalita ngayon ng PESANTE NEWS na nakabase sa Los Angeles na nakalap mula sa internet wires na umiigting na labanan sa pagitan ng mga New People?s Army (NPA) at ng mga tropa ng 48th IB Philippine Army sa probinsya ng Aurora, sa hilagang bahagi ng Central Luzon. Ayon sa PESANTE NEWS, isang engkwentro ang naganap sa pagitan ng mga pwersa ng NPA Aurora at mga tropa ng 48th ?Cedula/Berdugo? Battalion sa kabundukan ng Brgy. Dikapinisan, San Luis, Aurora noong Agosto 23, 2011. Ito ay nagsimula ng ganap na alas-6:30 ng umaga. Naka-maniobra palayo ang yunit ng NPA pag-abot ng alas-7 ng umaga. Nagpatuloy ang walang direksyong pagpapaputok ng mga militar hanggang lampas tanghali nang magdatingan ang kanilang sumaklolong helicopter . Malaki ang pinsala ng mga sundalo ng 48th IB. Ayon sa mga mapagkakatiwalaang mga impormante sa hanay mismo ng militar, pulisya, at marami pang mga sources ng kilusan, aabot ng 7 ang napatay na mga sundalo sa labanan, at 6 ang mga sugatan.

Sunod sunod na mga taktikal na opensiba ngayong Enero ng NPA sa Bicol (tags)

Napag-alaman ngayong PESANTE NEWS na ayon kay Gregorio Banares ng NDF-Bicol na sunud-sunod na taktikal na opensiba ang isinagawa ng NPA sa Bicol laban sa 9th ID, Philippine Army. Ayon din sa NDF-Bicol, koordinado at magkakasunod na mga taktikal na opensiba sa buong rehiyon ang pambungad na bigwas ng Bagong Hukbong Bayan sa berdugo at pasistang 9th Infantry Division-PA at PNP sa taong 2010.

Labanan sa Umpisa ng Kampanya sa Eleksyong Presidensyal 2010,Tumitindi. (tags)

Ayon sa mga pinakahuling balita, tabla ang labanang Villar-Aquino sa mga survey. Ayon naman sa isang political analyst sa internet na si Doy Cinco higit na mainit ito sa Metro Manila. Malamang na magiging battle ground ni Noynoy Aquino-Mar Roxas at Villar-Loren ang Kamaynilaan at kung sino ang lalamang, may malaking epekto sa pambansang resulta ng halalan sa kabuuan. “ Ayon kay Cinco, “ Sa kabuuang 50.0 milyong rehistradong botante sa bansa, may 15% nito o mahigit anim (6) na milyon ay matatagpuan sa Kalakhang Manila, Sa anim na milyon botante, kulang sa kalahati (2.8 milyon) ay matatagpuan sa Quezon City (1.2 milyon), Manila (1.0 milyon) at Caloocan (0.7 milyon). Ang Kalakhang Manila ay kinukunsidirang sentrong pampulitika, pang-ekonomya, panlipunan at pangkultura ng Pilipinas. Siya ang pinakamatao, pinaka-konsentrado at pinakamasikip na lugar sa buong bansa

LABANANG AQUINO-VILLAR, UMIINIT (tags)

Umiinit ang labanan sa pagkapangulo ng Pilpinas. Ito ay ayon sa mga mampulitikang observers ng PESANTE NEWS sa Maynila at sa Los Angeles. Bumaba naman mula ikalawa pwesto tungo sa ikatlo si brother Eddie na sumegunda kay Gibo Teodoro noong nakaraang Disyembre 2009. Ngayon si Noynoy naman ang naguguna sa facebook. Patunay lamang na ang labanan ay umiinit na rin kahit na sa internet.

ignored tags synonyms top tags bottom tags