fix articles 26957, dapat
Analisis sa Eleksyong 2010 (tags)
Sa wari dahil nagsalita na ang taumbayan. Tinanggap na ang rebolusyonaryong kilusan ang hatol ng bayan at kinilala ang sintimyentong anti-GMA at maagap na naghain ng mga hamon at kahilingan sa bagong uupong pangulo. Ito ay dapat dahil kailangang singilin ang mga pulitiko sa kanilang mga pangako. Ang malakas na lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang nagtaboy sa mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Palparan, Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza at iba pa. Gayunman nakapanatili sa pwesto ang papaalis na pangulong GMA at ag kanyang mga alagad. Maging ang imperyalismong US ay hindi nakahuma at pumayag na lamang sa kosmetikong pagbabago paara payapain ang nagpupuyos na loob ng masa. Sa labanan ng dalawang departamento, nanalo ang manok ng State Department sa manok ng Depense department sa nakaraang eleksyon.
Analisis sa Eleksyong 2010 (tags)
Sa wari dahil nagsalita na ang taumbayan. Tinanggap na ang rebolusyonaryong kilusan ang hatol ng bayan at kinilala ang sintimyentong anti-GMA at maagap na naghain ng mga hamon at kahilingan sa bagong uupong pangulo. Ito ay dapat dahil kailangang singilin ang mga pulitiko sa kanilang mga pangako. Ang malakas na lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang nagtaboy sa mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Palparan, Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza at iba pa. Gayunman nakapanatili sa pwesto ang papaalis na pangulong GMA at ang kanyang mga alagad. Maging ang imperyalismong US ay hindi nakahuma at pumayag na lamang sa kosmetikong pagbabago paara payapain ang nagpupuyos na loob ng masa. Sa labanan ng dalawang departamento, nanalo ang manok ng State Department sa manok ng Depense department sa nakaraang eleksyon.
Bakit Hindi Dapat Ipagdiwang ang Marso 22 bilang AFP Day? (tags)
Bakit hindi dapat ipagdiwang ang Marso 22 bilang araw ng hukbong sandatahan ng Pilipinas o ng AFP? Una, ang araw na ito ay kaarawan ni Heneral Emilio Aguinaldo, Itinalaga ng araw na ito na anibersaryo ng AFP para parangalan ang heneral ng Cavite. Ito ay simbolo ng partiarkalismo at eletismo para sa iisang tao. Ito rin ang nagaganap ngayon dahilang AFP ay sumusumpa lamang ng katapatan nito sa iisang tao-kay Presidente Gloria Arroyo na simbolo ng tiraniya at pangungurakot sa modernong panahon. Ikalawa, bagamat ito ay simbolo ng pagtatagumpay ng grupong Magdalo noong 1897, ang sumunod ay ang pagkatalo ng hukbong rebolusyonaryo sa mga Kastila sa Kabite at lahat ng dako. Ito ay nang matapos nilang paslangin si Andres Bonifacio. Pagkatapos nito sila ay nagpatapon sa Hongkong sa halagang P 100,000 piso. Ayon ito sa kasunduan sa Biak na Bato.
PANAGUTIN ANG GOBYERNOng US-Arroyo, ,SULPICIO LINES AT DEL MONTE SA SAKUNANG PAGKALIKASAN (tags)
Los Angeles --Mariing kinokondena ng Pesante-USA Gobyernong US-Arroyo,. Silpicio lines at ang Del Monte Philippines sa paggamit at pagbibiyahe ng mga nakakalasong nakamamatay na produktong pestisidyo na ibibiyahe sa lumubog na barko ng Sulpicio Lines. Hinahagkis ng Pesante ang Sulpicio Lines sa pagbibiyahe ng pestisidyong endosulfan. Nakikiisa kami sa grupong KALIKASAN na naghihinala ayon kay Clemente Bautista, national coordinator ng Kalikasan-PNE, na matagal nang Gawain ito ng dalawang kompanya.
Huwag Kalilimutan ang Mga Krimen ng Diktador na si Suharto Laban sa Mamamayang Indones (tags)
Para sa mga makabayang Pilipino hindi dapat malimutan o patawarin ang mga krimen ng yumaong diktador ng Indonesia na si Heneral Suharto laban sa mga Indones at Sillangang Timor. Dahil dito, mariing kinokondena ng Pesante-USA ang pagbibigay ng gobyernong Indones at ng kanyang mga kasabwat sa militar ng parangal kay Suharto. Namatay si Suharto nang hindi napagbayaran ang mga krimen niya laban sa mamamayan.
Gunitain ang Ika –21 taon ng Pag-aalsa ng Masa sa EDSA na Nagpatalsik sa Diktadura (tags)
“Lumalaon bumubuti, sumasama kaysa dati!” Ito ang malungkot na kasabihan ng komunidad ng mga Pilipino-Amerikano sa Estados at ng masang Pilipino sa Rebolusyong sa EDSA na naganap noong Pebrero 21-25, 1986 para sa mga tao at grupong umangkin sa pagpapabagsak ng diktadurang US-Marcos. Dati-rati, sisidlan ng tuwa at karangalan sa mga Pilipino sa Amerika ang rebolusyong Pebrero o Rebolusyong EDSA. Ngunit ngayon, tulad sa Pilipinsa lumipas ito ng hindi man pinapansin o binibigyan ng pagdiriwang o pag-alala ng mga grupo at personalidad na umaangkin dito Ngunit ang pinatunayan ng EDSA, hindi dapat huminto ang masa sa paghahangad lamang ng pagbabago sa liderato o sa estrakturang pamlipunan. Ang simpleng pagapapalit ni Marcos at Aquino at Estrada tungo kayA rroyo ay di na dapat maulit pa! Upang ganap na mabago ang sistema, kailangan ang ganap at tunay na pagbabago sa sistemang sosyal upang makamit ng sambayanan ang tunay na reporma at pagbabagong sosyal. Dapat pa nating pag-ibayuhin ang pakikibaka, maging inspirasyon sa ating ang naganap na rebolusyon sa EDSA na kaya nating baguhin ang lipunang Pilipino gaano man ito katagal at kahit gaano kalaki man ang sakripsiyo na kailangan nating gawin.
Gunitain ang Ika –21 taon ng Pag-aalsa ng Masa sa EDSA na Nagpatalsik sa Diktadura (tags)
Ngunit ang pinatunayan ng EDSA, hindi dapat huminto ang masa sa paghahangad lamang ng pagbabago sa liderato o sa estrakturang pamlipunan. Ang simpleng pagapapalit ni Marcos at Aquino at Estrada tungo kayA rroyo ay di na dapat maulit pa! Upang ganap na mabago ang sistema, kailangan ang ganap at tunay na pagbabago sa sistemang sosyal upang makamit ng sambayanan ang tunay na reporma at pagbabagong sosyal. Dapat pa nating pag-ibayuhin ang pakikibaka, maging inspirasyon sa ating ang naganap na rebolusyon sa EDSA na kaya nating baguhin ang lipunang Pilipino gaano man ito katagal at kahit gaano kalaki man ang sakripsiyo na kailangan nating gawin. Tulad ng dati: