fix articles 26973, a. sa Los Angeles Indymedia : tag : a. sa

a. sa

BULGAR ANG TUNAY NA SONA: LANSAGIN ANG PASISTANG PAGHAHARI NG REHIMENG US- GMA (tags)

Katulad ng dati, walang pinag-iba ang State of the Nation Address o SONA ni Gloria Mcapagal-Arroyo sa iba pang sona na kanyang tinalumpati sa kanyang bihag na Kongreso. Nagsimula sa “bangkang papel” noong 2001 nagwakas ito sa barkong lumubog na MV Princess ng Sulpico Lines nitong 2008, katulad ng kinasadlakan ng kawawang kalagayan ng bansang Pilipinas: lubog sa utang sa ibang bansa, lubog sa karalitaan, lubog sa pagdarahop, lubog sa pamimighati dahil sa pasistang karahasan ngunit patuloy na lumalaban ang masang Pilipino. Walang malilinlang na malawak sa masa ang palalong si GMA. Sa labas ng Kongreso, nagrali ang galit na mga mamamayan. Sa iba’t ibang parte ng bansa, damang dama ang galit ng pagtutol. Bakit nga ba makikinig ang bayan sa paglulubid ng mga kasinungalingan?

Gunitain ang Ika –21 taon ng Pag-aalsa ng Masa sa EDSA na Nagpatalsik sa Diktadura (tags)

“Lumalaon bumubuti, sumasama kaysa dati!” Ito ang malungkot na kasabihan ng komunidad ng mga Pilipino-Amerikano sa Estados at ng masang Pilipino sa Rebolusyong sa EDSA na naganap noong Pebrero 21-25, 1986 para sa mga tao at grupong umangkin sa pagpapabagsak ng diktadurang US-Marcos. Dati-rati, sisidlan ng tuwa at karangalan sa mga Pilipino sa Amerika ang rebolusyong Pebrero o Rebolusyong EDSA. Ngunit ngayon, tulad sa Pilipinsa lumipas ito ng hindi man pinapansin o binibigyan ng pagdiriwang o pag-alala ng mga grupo at personalidad na umaangkin dito Ngunit ang pinatunayan ng EDSA, hindi dapat huminto ang masa sa paghahangad lamang ng pagbabago sa liderato o sa estrakturang pamlipunan. Ang simpleng pagapapalit ni Marcos at Aquino at Estrada tungo kayA rroyo ay di na dapat maulit pa! Upang ganap na mabago ang sistema, kailangan ang ganap at tunay na pagbabago sa sistemang sosyal upang makamit ng sambayanan ang tunay na reporma at pagbabagong sosyal. Dapat pa nating pag-ibayuhin ang pakikibaka, maging inspirasyon sa ating ang naganap na rebolusyon sa EDSA na kaya nating baguhin ang lipunang Pilipino gaano man ito katagal at kahit gaano kalaki man ang sakripsiyo na kailangan nating gawin.

Gunitain ang Ika –21 taon ng Pag-aalsa ng Masa sa EDSA na Nagpatalsik sa Diktadura (tags)

Ngunit ang pinatunayan ng EDSA, hindi dapat huminto ang masa sa paghahangad lamang ng pagbabago sa liderato o sa estrakturang pamlipunan. Ang simpleng pagapapalit ni Marcos at Aquino at Estrada tungo kayA rroyo ay di na dapat maulit pa! Upang ganap na mabago ang sistema, kailangan ang ganap at tunay na pagbabago sa sistemang sosyal upang makamit ng sambayanan ang tunay na reporma at pagbabagong sosyal. Dapat pa nating pag-ibayuhin ang pakikibaka, maging inspirasyon sa ating ang naganap na rebolusyon sa EDSA na kaya nating baguhin ang lipunang Pilipino gaano man ito katagal at kahit gaano kalaki man ang sakripsiyo na kailangan nating gawin. Tulad ng dati:

ignored tags synonyms top tags bottom tags