fix articles 297382, pangulong arroyo
PAHAYAG NG PESANTE-USA SA PLANONG PAGPAPALAYA KAY ROLITO GO (tags)
Saksakan ng kawalang walang budhi at sadyang maiitim ang buto. Kung mailalarawan lamang ng mga salitang ito ang mga kagagawan ng rehimeng Arroyo, marahil sasapat na sabihin kung gaano kasama ang ginagawa ng rehimen sa mga mamamayan nito. Baka parang asin na natunaw na sila kung sila ay may kahihiyan. Sukdulan na ang pagiging walanghiya ang rehimen. Matapos bigyan ng patawad ang mga nagkasalang kriminal tulad nina Manero, Martinez , Claudio Teehanke Jr. na walang awang pumatay ng dalawang kabataan noong 1991. At ngayon naman plano diumano ng rehimeng Arroyo na palayain si Rolito Go.
Rehimeng Arroyo, Naghahanda sa Malawakang Pandaraya sa Eleksyong Mayo 14 (tags)
Wala nang tatalo sa pagkapalalo at lantarang pagiging garapal ng mga tauhan ng Pangulong Arroyo. Mariing kinokondena ng Alyansa-Pilipinas o AJLPP ang lantarang ipinamamarali ng mga kandidato at susing mga tauhan ni Gloria Macapagal-Arroyo ang kanilang makinarya at salapi para bumili ng boto. Nakakasuka ang pagmamayabang ng TEAM UNITY at ng Malacanang ang kanilang “makinarya” at “command votes” na magpapanalo daw sa kanila sa eleksyong Mayo 14. At sa huli, pupulutin si GMA tulad ng mandarayang si Marcos noong 1986, sa kangkungan ng kasaysayan. Sa huling pagtutuos, hindi makakasa ang masa sa eleksyon. Nasa masa ang huling pagpapasya para sa tunay na pagbabago sa lipunang Pilipino. ###
HINGGIL SA KOMISYONG MELO AT HALALAN SA 2007 (tags)
Panloloko sa bayan at panibagong inhustisya sa mga biktima ng paglabag sa mga karapatang tao ang kawalang lubos na liwanag tungkol sa nilalaman ng ulat ng Komisyong Melo. Pinapaugong ng Malakanyang na inaakusahan ng ulat ang militar at Heneral Palparan tungkol sa ilang pamamaslang. Kasabay nito, sinasabi rin nila na hindi lamang ang militar at pulis ang gumagawa ng mga krimen. Sa gayon, pinagtatakpan nila ang kriminal na pananagutan ni Gloria M. Arroyo at mga alipuris niyang militar at pulis sa higit ng 820 na pamamamaslang at higit na 200 pagdukot sa ilalim ng Oplan Bantay Laya I at II.
Sa ika-6 na anibersaryo ng trahedya sa Payatas (tags)
Matapos ang anim na taon mula nang maganap ang malagim na trahedya dulot ng pagguho sa Payatas dumpsite noong Hulyo 10 2000, wala pa ring hustisyang nakakamit ang mga biktima ayon sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY).