fix articles 341411, militar ang
ABUSO NG MILITAR LUMULUBHA SA SAMAR-LEYTE (tags)
Ibinabalita ngayon ayon sa mga nalikom na balita ng Pesante New na lumulubha ang paglabag sa karapatang pantao sa mga isla ng Samar at Leyte. Ito ang iniulat ng mga grupong pangkarapatang pantao sa Pilipinas. Ang mga abusong militar diumano ay dahil sa sa sunud-sunod na kabiguan ng militar na puksain ang rebolusyonaryong kilusan sa Eastern Visayas, ipinatutupad dito ng 8th Infantry Division ng Philippine Army (8ID-PA) ang mababagsik na operasyong militar na bumibiktima sa maraming sibilyan.
Militarisasyon sa kanayunan ng Pilipinas lalong tumitindi-AJLPP (tags)
Patuloy ang pamamaslang ng mga berdugo ni Arroyo sa mga lider-masa at tagasuporta ng progresibong kilusan. Nitong Disyembre, isang makamasang konsehal ng bayan ang binaril sa loob ng kanyang upisina sa Masbate. Sa Quezon at Surigao, biktima ng dislokasyon ang libu-libong mamamayan kabilang ang maraming bata dahil sa militarisasyon. Sa Compostela Valley, isang lider-manggagawa ang pinagbantaang papatayin. Samantala, dalawang pinaghihinalaang kadre ng Partido ang dinukot at tinortyur sa Nueva Ecija noong huling linggo ng Nobyembre.