fix articles 352459, united nations high commission for human rights
ILITAW SI KASAMANG LEO VELASCO--FQSN (tags)
Mahigit nang anim na buwan mula nang garapalang dukutin ng mga operatibang militar ng rehimeng Arroyo si Kasamang Leo Velasco sa Cagayan de Oro City. Sa harap ng maraming tao, sapilitan siyang isinakay ng mga militar sa kanilang van, kasabay ang pagpapakilala sa sarili bilang mga pwersang panseguridad at pagbabanta sa mga tao sa paligid na "huwag makialam." Aktibista ng FQS si Ka. Leo Bilang mga aktibista ng First Quarter Storm Network sa Amerika, nagpapahayag kami ng marubdob na hangarin at panawagang Ilitaw si Ka. Leo Velasco, aktibista ng UP College of Medicine na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (NPA) noong 1971. Dinakip siya at magpahanggang ngayon ay ayaw ilitaw ng militar. Napakarami nang beterano ng FQS ang patuloy pa ring nakikibka sa iba'tibang antas at nagpapatuloy sa pagsusulong ng demokratikong kilusan apra palayain ang bayang Pilipinas sa pangaaapi ng Imperyalistang dayuhan at kamtin ang pambansang demokrasya.