fix articles 393042, at ng
KAWALAN NG USAPANG PANGKAPAYAPAAN : (tags)
Ayon sa nakalap na balita ng PESANTE BULETIN, dahil sa kawalan ng usapang pangkapayapaan, lalong tumitindi ang labanan sa kanayunan sa pagitan ng AFP at ng NPA. Ayon sa mga balita dumarami ang namamatay sa mga sunud-sunod na ambus at labanan sa pagitan ng NPA at ng mga tropa ng armi sa iba't ibang dako ng bansa. Ayon sa PESANTE Buletin hindi interesado ang kasalukuyang pangulo sa usapang pangkapayapaan at sinusunod nito ang utos ng Amerika na lipulin ang MILF at ang NPA sa pamamagitan ng lakas ng militar at ng diumano'y pang-papaunlad.
Gunitain ang Ika –20 taon ng Mendiola Masaker ng 1987 (tags)
Sa Ika-22 ng Enero, 2007, gugunitain ng komunidad ng Pilipino sa Amerika ng Los Angeles, California sa ilalim ng Pesante-USA at ng Ecumenical Fellowship for Justice and Peace (EFJP) ang ika-20 taon ng masaker sa Mendiola noong Enero 22, 1987. Noong 1987, matapos magdeklara ng 60 araw na tigil-putukan ang NDFP at ang gobyerno noon ni Corazon Aquino, mabilis na pinutol ng AFP ang tigil putukan at usapang pangkapayapapaan ng NDFP at GRP sa pagsupil sa militanteng rali ng mga magsasaka sa daan patungo sa palasyo ng Malacanang kung saan napatay ang 13 magsasaka at nasugatan ang may 150 iba pa.