fix articles 393047, sa mindanao Los Angeles Indymedia : tag : sa mindanao

sa mindanao

KAWALAN NG USAPANG PANGKAPAYAPAAN : (tags)

Ayon sa nakalap na balita ng PESANTE BULETIN, dahil sa kawalan ng usapang pangkapayapaan, lalong tumitindi ang labanan sa kanayunan sa pagitan ng AFP at ng NPA. Ayon sa mga balita dumarami ang namamatay sa mga sunud-sunod na ambus at labanan sa pagitan ng NPA at ng mga tropa ng armi sa iba't ibang dako ng bansa. Ayon sa PESANTE Buletin hindi interesado ang kasalukuyang pangulo sa usapang pangkapayapaan at sinusunod nito ang utos ng Amerika na lipulin ang MILF at ang NPA sa pamamagitan ng lakas ng militar at ng diumano'y pang-papaunlad.

Pagpalalaya kay Vagni, Pasikat ni Gloria; Itigl ang Gyera sa Mindanao (tags)

" Pag-gusto, magagawan ng paraan, pag-ayaw-maraming dahilan." Hindi naman pagtakhan ang mabilis na pagpapalaya sa diumano ay hostage ng mga bandidong Abu-Sayff kay Eugenio Vagni ng ICRC sa Sulu kahapon, Hulyo 11. Ang bihag na myembro ng Red Cross ay hostage ng mga rebelde sa loob ng mahigit na anim na buwan. Ang Sulu at karating nito ang diin ng Exercise Balikatan ng US at RP ganoon din ng malawakang anti-teroristang operasyon mula pa noong 2002. Para sa Pesante-USA, grupong pangkarapatang pantao at suporta sa magsasakang Pilipino sa US - ang pagkakapalaya kay Vagni ay pagpapasikat ng rehimeng US-Arroyo sa pagbisita ng CIA Chief Leon Panetta sa Maynila ngayong linggo. Hindi na mahalaga kung nagbayad sila ng milyon o anuman. Ngunit malinaw ang sabwatan ng AFP at ng mga grupong ito na nangugulo sa Mindanao.

KASAYSAYAN NG PANG-AAGAW NG LUPA SA MGA NINUNO NG MGA MAMAMAYANG MORO (tags)

Ang artikulong ito ay inillathala ng Pesante-USA upang itaguyod ang karapatan sa sariling pagpapasya ng mga mamamayang Moro sa Mindanao. Ito ay nalathala sa internet noong Set.7, 2008. Sa amin ang sariling salin at editing)

Walang katarungan sa ilalim ng rehimeng Arroyo (tags)

Ipinahayag ng mahigit 2,000 katao ang kanilang damdamin laban sa mga paglabag sa karapatang-tao sa mga plakard at istrimer nila. May mga nagsuot ng mga maskarang may tig-iisang letrang bumubuo ng salitang “hustisya.” Ilang metro bago ang Malacañang ay hinarang sila ng mga pulis na may suportang dalawang trak ng bumbero. Itinuloy ng mga nagmamartsa ang kanilang programa sa Morayta St. sa Sampaloc.

PILIPINAS: Eleksyong 2007: Bulok sa kaibuturan (tags)

Ilang ulit na pinasahol ng naghaharing pangkating Arroyo ang bulok na sistema ng eleksyon sa Pilipinas. Labis-labis ang karahasan, pandaraya, panunuhol, maruruming maniobra at pambabraso sa eleksyon nitong Mayo. Isinagawa ito sa pamamagitan ng militar, pulis, mga tauhan sa Comelec at burukrasya. Lalong tumingkad ang kahungkagan ng sinasabing demokratikong eleksyon sa ilalim ng kasalukuyang reaksyunaryong sistema. Pinakamatitingkad ang pandaraya ng kampong Arroyo sa Maguindanao, Sulu at Bohol kung saan nagkaroon ng halos 12-0 resulta ang eleksyon sa pagkasenador pabor sa administrasyon. Sinundan pa ito ng paglilitawan ng 12-0 pabor sa Team Unity sa ilampu pang mga munisipalidad na kontrolado ng mga alipures ni Arroyo.

ignored tags synonyms top tags bottom tags