fix articles 401748, rebolusyonaryong Los Angeles Indymedia : tag : rebolusyonaryong

rebolusyonaryong

REBOLUSYONG AGRARYO , SAGOT SA ANTI- MAGSASAKANG CARP/ HUWAD NA REPORMA SA LUPA (tags)

ng plano ng rehimeng US-Arroyo na palawigin pa nang limang taon ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ay taliwas sa pagsusulong ng interes ng masang magsasakang matagal nang naghahangad ng tunay na reporma sa lupa. Walang ibang layunin dito ang rehimeng US-Arroyo kundi ang patuloy na linlangin at apihin ang masang magsasaka at ibulsa ang malaking pondo nito. Tulad ng lahat ng nagdaang programa sa reporma sa lupa ng reaksyunaryong estado, ang CARP ay huwad at walang tunay na kaugnayan sa repormang agraryo. Nagsilbi lamang ito para lalong pagtibayin ang monopolyong kontrol ng mga lupain sa bansa, at ibukas ang mga ito sa mga dayuhan alinsunod sa imperyalistang patakarang "globalisasyon."

Ibayong lumalawak at lumalakas ang NDF (tags)

Lipos ang kagalakan ng mga rebolusyonaryong magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan, maralitang komunidad, propesyunal, taong simbahan at mga kadre at kasapi ng Bagong Hukbong Bayan at Partido Komunista ng Pilipinas sa anibersaryo ngayon ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the Philippines. Umabot na sa 34 taon ang malawak na nagkakaisang prente ng mamamayang lumalaban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Ang pagdiriwang na ito ay sa gitna ng sinungaling na pagmamalaki ng reaksyunaryong rehimeng Arroyo na tagumpay nitong napapahina o nadudurog ang rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng kontra-mamamayang Oplan Bantay Laya. Sa kabila ng sustenidong pagtutugis, panunupil at mala-ararong pag-ooperasyon at pagbabakod ng AFP, higit pang tumatag at humusay ang kalagayan ng buong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon.

IBASURA ANG CARP! ISULONG ANG PAKIKIBAKANG AGRARYO! (tags)

Nanawagan ngayon ang rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas na patuloy na isulong ang rebolusyong agraryo at lalo pang magsumigasig na ibasura ang pekeng land reform ng gobyernong-Arroyo. Sa loob ng halos dalawang dekada nang pagsasakatuparan ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), malinaw sa masang magsasaka na isa lamang itong huwad na programa sa reporma sa lupa. Malaking panloloko ang deklaradong layunin at mga sinasabing tagumpay nito. Nananatili hanggang ngayon ang malawakang problema ng kawalan ng lupa ng nakararaming magsasaka.

ignored tags synonyms top tags bottom tags