fix articles 413106, barangay san agustin
Karahasang Militar Lumalala: Lider ng KMP, inaresto; pastor, pinatay ng militar (tags)
Kabilang sa mga karumal-dumal na krimen ng rehimeng Arroyo nitong nakaraang mga linggo ang pagpaslang sa isang pastor ng UCCP sa Leyte at pagpatay sa isang aktibista sa Bohol. Sa kanayunan ng Tagum, nagpapatuloy ang sapilitang paglikas ng mga residente dahil sa matitinding operasyong sa kanilang mga lugar. Sa Maynila, mahigit 80,000 residente ang mawawalan ng tirahan dahil sa proyektong riles. Sa Negros, inaresto ang isang lider ng KMP, at sa Palawan, dalawang pinaghihinalaang myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dinukot ng militar. Isa ring lider-masa sa Cebu ang dinukotat dalawang araw na itinago ng militar bago siya makatakas.
Militarisasyon sa kanayunan ng Pilipinas lalong tumitindi-AJLPP (tags)
Patuloy ang pamamaslang ng mga berdugo ni Arroyo sa mga lider-masa at tagasuporta ng progresibong kilusan. Nitong Disyembre, isang makamasang konsehal ng bayan ang binaril sa loob ng kanyang upisina sa Masbate. Sa Quezon at Surigao, biktima ng dislokasyon ang libu-libong mamamayan kabilang ang maraming bata dahil sa militarisasyon. Sa Compostela Valley, isang lider-manggagawa ang pinagbantaang papatayin. Samantala, dalawang pinaghihinalaang kadre ng Partido ang dinukot at tinortyur sa Nueva Ecija noong huling linggo ng Nobyembre.