fix articles 420016, sahod
MGA TAGUMPAY NG KILUSANG MAGBUBUKID SA PILIPINAS (tags)
Ipinahayag ngayon ng rebolusyonaryong kilusang sa Pilipinas ang mga tagumpay ng pakikibakang agraryo ng mga magsasaka sa iba't ibang panig ng bansa. Ayon sa pahayag sa internet ngayong Hunyo 22, 2007, sa kabila ng panggigipit at pandarahas n reaksyunaryong estado, tuluy-tuloy na umaan ng mga tagumpay sa mga pakikibaka niton nagdaang 20 taon ang masang magbubukid sa bansa Kabilang sa pinakatampok ang tagumpay ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa Hacienda Luisita noong 2004. Sa pamamagitan ng militanteng pakikibaka at paglulunsad ng malawakang welga, natamo ng masang magsasaka ang malawak na suporta at tagumpay sa kanilang paglaban sa stock distribution option bukod sa iba pang mga kahilingan, kabilang ang pagbabalik sa mga sinesanteng manggagawa ng Central Azucarera de Tarlac at pagtataas sa sahod nila at ng mga manggagawang bukid.