fix articles 425413, n. mahirap
HINGGIL SA KOMISYONG MELO AT HALALAN SA 2007 (tags)
Panloloko sa bayan at panibagong inhustisya sa mga biktima ng paglabag sa mga karapatang tao ang kawalang lubos na liwanag tungkol sa nilalaman ng ulat ng Komisyong Melo. Pinapaugong ng Malakanyang na inaakusahan ng ulat ang militar at Heneral Palparan tungkol sa ilang pamamaslang. Kasabay nito, sinasabi rin nila na hindi lamang ang militar at pulis ang gumagawa ng mga krimen. Sa gayon, pinagtatakpan nila ang kriminal na pananagutan ni Gloria M. Arroyo at mga alipuris niyang militar at pulis sa higit ng 820 na pamamamaslang at higit na 200 pagdukot sa ilalim ng Oplan Bantay Laya I at II.