fix articles 426047, marso
Bakit Hindi Dapat Ipagdiwang ang Marso 22 bilang AFP Day? (tags)
Bakit hindi dapat ipagdiwang ang Marso 22 bilang araw ng hukbong sandatahan ng Pilipinas o ng AFP? Una, ang araw na ito ay kaarawan ni Heneral Emilio Aguinaldo, Itinalaga ng araw na ito na anibersaryo ng AFP para parangalan ang heneral ng Cavite. Ito ay simbolo ng partiarkalismo at eletismo para sa iisang tao. Ito rin ang nagaganap ngayon dahilang AFP ay sumusumpa lamang ng katapatan nito sa iisang tao-kay Presidente Gloria Arroyo na simbolo ng tiraniya at pangungurakot sa modernong panahon. Ikalawa, bagamat ito ay simbolo ng pagtatagumpay ng grupong Magdalo noong 1897, ang sumunod ay ang pagkatalo ng hukbong rebolusyonaryo sa mga Kastila sa Kabite at lahat ng dako. Ito ay nang matapos nilang paslangin si Andres Bonifacio. Pagkatapos nito sila ay nagpatapon sa Hongkong sa halagang P 100,000 piso. Ayon ito sa kasunduan sa Biak na Bato.
Iligal na pang-aaresto at panggigipit mula Marso hanggang unang linggo ng Abril (tags)
Iligal na pang-aaresto at panggigipit ang tampok sa mga paglabag sa karapatang-tao ng rehimeng Arroyo nitong nakaraang Marso 10 hanggang Abril 3.
Kinondena ng AJLPP ang lumalawak na Interbensyong militar ng US sa Pilipinas (tags)
Mariin at matinding kinokondena ng AJLPP-USA ang ginawang pagkukubli sa iba't ibang paraan ng interbensyong militar ng US ang RP-US 2007 Balikatan military exercises na ginanap sa Sulu mula Pebrero 19 hanggang Marso 4. Nilahukan ito ng 400 US Marines at 1,500 tropa ng Philippine Army. Ayon sa AJLPP, ang Isang pinagsanib na tim mula sa militar ng US na kabilang sa Fusion Piston na nagkataon umanong lumahok din sa Balikatan ang nakipagpulong sa mga upisyal ng PNP sa Region 12 noong Marso 1 upang talakayin ang pagtutulungan umano nila sa pagsawata sa pagpupuslit ng iligal na droga sa karagatan ng Mindanao.