fix articles 440189, utang
BADYET NG GOBYERNO PARA PAMBAYAD UTANG AT OPERASYONG MILITAR LABAN SA MAMAMAYAN (tags)
Mariing kinondena ngayon ng PESANTE –USA ang malaking bawas sa badyet ng gobyerno at sa paglalaan ng bawas tungo sa pondo ng military laban sa mamamayan. Ayon sa PESANTE-USA ang P1.64 trillion badyet ng Rehimeng –US AQunino III ay hindi lamamang para sa military kundi kontra mamamayan. Itinaaas niton ng mahigit 81% ang badyet ng military habang kinaltasan ng husto ang badyet para sa serbisyong pambayan. Tinaasan din ni Aquino III ag pambayad sa utang ng bansa ng mahigit 29. 2% o may 29 Bilyong piso habang binawasan ang badyet sa edukasyon ng P172 billion Nagbawas din sa badyet sa kalusugan habang lumalala ang problema sa paglaganap ng dengue.
Pagpatay kay Rebelyn Pitao-bagong utang na dugo ng mga Pasistang Kriminal (tags)
buong lakas na kinokondena ng AJLPP ang pasistang kriminal na rehimng US-Arroyo at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang paniktik nito sa pangghasa, pandarahas at walang awing pagpatay kay Rebelyn Pitao, anak na babae ni NPA Kumander Leoncio Pitao- Kumnader Parago ng NPA sa Mindanao. Si Rebelyn Pitao ay dinukot at walang –awang pinatay matapos gahasain noong 6:30 ng gabi ng Miyerkoles habang pauwi sa kanilang bahay sa Bago Gallera. Ang kanyang bangkay ay natagpuang lumulutang sa ilog ng Carmen, Davao Del Sur may mahigit na 24 oras matapos siyang dukutin ng militar.