fix articles 466099, at pulisya
Mga warlord, inaruga ng mga rehimeng tuta ng Imperyalismong US (tags)
Matagal nang kilala ang angkang Ampatuan sa pagiging mababagsik na warlord. Subalit pinasahol pa ito ng naghaharing rehimeng Arroyo. Bago maganap ang madugong masaker sa Maguindanao, mahigpit na nakapailalim sa kapangyarihang pyudal-militar ng warlord na angkang Ampatuan ang prubinsyang ito at ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Mula pa noong dekada 1930, sa panahon ng tuwirang kolonyalismo ng US ay naghahari na sa mga bahaging iyon ng Mindanao ang angkan. Mahigpit silang nakikipagtulungan sa mga pwersang militar, paramilitar at pulisya ng sunud-sunod na papet na reaksyunaryong rehimen. Pinakabase ng pampulitikang kapangyarihan nila ang sangkatlo ng mga munisipalidad sa prubinsya ng Maguindanao.