fix articles 477410, pangulong corazon cojuangco
Privilege speech of Anakpawis Rep. Rafael Mariano (tags)
Anginyo pong natutunghayan ngayon ay ang actual footage, bidyo-dokumentaryo, ng isa sa mga pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng pakikibaka ng uring magsasaka, ang Masaker sa Mendiola na naganap noong Enero 22, 1987. 23 taon na ang nakakaraan nagmartsa ang libu-libong magbubukid sa pangungana ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas upang igiit sa noo’y rehimen ng yumaong Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino, na naluklok sa kapangyarihan sa pamamagitan ng aklasang bayan, ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa. Tunay na reporma sa lupa na ang sentral na layunin at laman ay ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga nagbubungkal. Isang makatwiran, makabuluhan at makatarungang kahilingan ng mga magsasaka sa rehimeng Aquino. Ang kahilingang ito ay sinagot ng rehimen ng magkakasunod na lagitik ng gatilyo’t nagbabagang punglong ibinaon hindi lamang sa katawan ng mga magbubukid kundi maging sa kamalayan at kasaysayan ng kanilang pakikibaka. G. Speaker, mga kapwa kinatawan, labintatlong (13) magsasaka, sina