fix articles 482730, ni gloria
AJLPP,Binatikos ang Order ng Comelec na Itigil ang Media Quick Countt (tags)
Mariin at ubos tinding binatikos ngayon ng Alyansa (AJLPP) ang ginawang pagpapahinto ng ng Commission on Elections sa lahat ng quick count na isinasagawa ng mga television at radio stations dahil na rin sa pagsisimula ng official canvassing ng National Board of Canvassers sa mga boto para sa mga kandidatong senador. “ Ang tinig ng bayan ay dapat pakinggan. Nagsalita na ang masang Pilipino sa pamamagitan ng balota. Ayaw na nila sa mga alipures na tuta ni Gloria lalo na kay Gloria’’ pahayag ni Mario Santos, pambansang tagapagsalita ng AJLPP. “ Kahit anu pang pandaraya ang gawin ni Gloria tulad ng ginawa nila noong 2004, napahayag na ng saloobin ang masang Pilipino. Ang pagboto nila sa mga kumakatwan sa oposisyon tulad kay LTJG Antonio Trillanes ay sampal sa kanyang paghahari.
SUPER BAGYO NI GLORIA PATULOY ANG HATAW SA MARALITA (tags)
---"Kaiba sa mga bagyong dulot ng kalikasan ang superbagyong Gloria na walang puknat sa pag-atake sa kabuhayan at karapatan sa paninirahan ng maralita," pahayag ni Carmen "Nanay Mameng Deunida", Tagapangulo ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa pagdiriwang ng Urban Poor Week sa unang linggo ngayong Disyembre.