fix articles 493383, camp bonifacio
Sa kabila ng todo-todong pandaraya manipulasyon at pandarahas ng MalacaƱang a mga instrumento nito, di nagawang burahin an boto ng mamamayan laban sa rehimeng Arroyo Nakapagkamit ng makabuluhang tagumpay ang mg progresibong partido at oposisyon sa halalan s Senado, sa party-list, sa ilang pamahalaang lokal at distritong kongresyunal. Malaking sampal sa rehimeng US-Arroyo ang pangunguna ng mga oposisyunista at mga progresibong grupong party-list sa inisyal na resulta ng mga bilangan. Kahit sa mga balwarte umano ng mga alipures ni Arroyo tulad ng Cebu, Iloilo, Negros Occidental at Eastern Samar ay bigo silang tiyakin ang solidong boto para sa lahat ng kandidato ng MalacaƱang. Nangunguna sa halalan sa Senado ang nakararaming kandidato ng Genuine Opposition. Kabilang sa 12 na may pinakamataas na boto si dating Ltsg. Antonio Trillanes IV, isa sa mga lider ng pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 at isa rin sa mga pinakamariing tumutuligsa kay Gloria Arroyo. Ito'y sa kabila ng kanyang pagkakakulong ngayon sa Camp Bonifacio, kakulangan ng pera at makinaryang pangampanya.