fix articles 499471, mga chavista
Pagtatangol sa Sosyalismo. Tungkulin ng mga Chavista sa Venezuela (tags)
Pagtatangol sa Sosyalismo. Tungkulin ng mga Chavista sa Venezuela Los Angeles--Pagkaraang dumanas ng pagkabigo sa referendum na sana ay magkokonosolida sa sosyalismo sa Venezuela nong Disyembre 7,2007 ibinaling ng Partido ng Pagkakaisa Para sa Sosyalismo ang kanilang atensyon sa pagkokonsolida ng kanilang pwesa. Inamin ni Presidente Hugo Chavez ang kamalian ng pagkaabante sa kakayahan ng masa na tumanggap ng pagbabago. Gayunman kinilala niya na maliit lamang ang lamang ng panalo ng oposisyon-50.7% laban sa 49.7% ng mga sosyalista. Gaya ng resulta ngh referendum. Malaking porsyento ng bomoto kay Chavez ang hindi bomoto o nagabstain.Maaalalang nanalo si Chavez ng malaking kalamangan san akraang halalan sa pagkapagulo isang taon pa lamang ang nakaraan. Ihiharap sa nakaraang refrendum ang mga pagbagaong tutn go sana sa sosyalismo na umaabot sa 69 emyeda hiil sa pagbabago ng taning sa panunugkulan ni Chavez na ginawang isyu ng kanyang mga kalaban. Nagbibintang ang mga oposisyong maka-US nang diumano ay pag-agaw ng kapangyarihan o isang kudeta ni Chavez ang referendum noong Disyembre. Pinatunayan na maginoong tinanggap ni Chavez ang pagkatalo at natuto sa mga pagkakamali sa kampanya. Kabuluhan ng Pangyayari sa Latin Amerika “Malaki ang kabuluhan sa mga bansa sa Latin Amerika ng pagbabagong pulitikal sa Venezuela.” Ayon kay Brian Becker, koordinador ng International ANSWER sa Estados Unidos nang siya ay hingan ng pahayag ng AJLPP hinggil sa usaping ito. “Mahirap para sa sosyalista na magmaniobra sa ialim ng estadong gumagamit ng burges na pulitika at pamamaraan tulad ng eleksyon at mga referendum. Kailgang handa ang mga sosyalista sa armadong panghihimasok ng US at mga kasapakat niotng burgesya sa Venezuela dahil hindi sila titigil na manggulo sa loob ng bansa.” “ Pinaaalahanan na ni Fidel Castro ng Cuba si President Hugo Chavez na mag-ingat at umiwas sa pagtatangkang siya ay patayin sa asasinasyon ng CIA at nga kanyang mga kaaway. Walang mawawala sa mga Chavista kung sila ay mag-iingat ayon kay Becker.