fix articles 519050, manila peninsula hotel
Ipagdiwang ang Ika-144 Taong Kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio (tags)
Buong giting na ipagbubunyi ng Pesante-USA bilang nagtataguyod ng layunin ng mga magsasaka at anak-pawis na Pilipino sa Amerika, ng karapatang pangtao at kalikasan ang ika-144 na taong kaarawan ng dakilang proletaryo, Andres Bonifacio – tagaptatag ng Katipunan ngayong ika –30 ng Nobyembre 2007. Naging dramatiko ang pagdiriwang dahil sa araw ring ito noong 1964 itinatag ang Kabataang Makabayan(KM) na nagbandila ng bagong kilusang pampropaganda na naghawan ng landas sa armadong rebolusyon. Dramatiko rin ang protesta ng ginawa ng mga rebeldeng military na pinamumuan nina General Lim at Ltsg. Antonio Trilannes IV ang paglilitis at omukupa sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City laban sa pangigipit ng administrasyong US-Gloria Macapagal-Arroyo.