fix articles 53833, ito ay
Bakit Hindi Dapat Ipagdiwang ang Marso 22 bilang AFP Day? (tags)
Bakit hindi dapat ipagdiwang ang Marso 22 bilang araw ng hukbong sandatahan ng Pilipinas o ng AFP? Una, ang araw na ito ay kaarawan ni Heneral Emilio Aguinaldo, Itinalaga ng araw na ito na anibersaryo ng AFP para parangalan ang heneral ng Cavite. Ito ay simbolo ng partiarkalismo at eletismo para sa iisang tao. Ito rin ang nagaganap ngayon dahilang AFP ay sumusumpa lamang ng katapatan nito sa iisang tao-kay Presidente Gloria Arroyo na simbolo ng tiraniya at pangungurakot sa modernong panahon. Ikalawa, bagamat ito ay simbolo ng pagtatagumpay ng grupong Magdalo noong 1897, ang sumunod ay ang pagkatalo ng hukbong rebolusyonaryo sa mga Kastila sa Kabite at lahat ng dako. Ito ay nang matapos nilang paslangin si Andres Bonifacio. Pagkatapos nito sila ay nagpatapon sa Hongkong sa halagang P 100,000 piso. Ayon ito sa kasunduan sa Biak na Bato.
Ang Balikatan ay Instrumento ng Pandaigdigang Terorismo ng US sa Pilipinas (tags)
Nandito na sa Lalawigan ng Sorsogon ang BALIKATAN, isang magkasanib na ehersisyong militar ng armadong pwersa ng US at ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA) at Mutual Logistics Support Agreement (MLSA). Layunin diumano ng BALIKATAN na sanayin at paunlarin ang kakayahan ng AFP sa pagsugpo sa terorismo.
Hinngil sa Wikang Pilipino at Sobinismong Ethnolingwistiko (tags)
May tatlong usapin na nakikita kong mahalagang linawin hinggil sa usapin ng pagpapalaganap ng Wikang Pambansa, ang Wikang Pilipino. Ang unang usapin ay ang usaping ang Pilipino nga ang pambansang wika ayon sa isinasaad ng Saligang Batas ng 1935 , Konstitusyon ni Marcos ng 1973 at ng 1987. ngunit ang Ingles naman ang isang sa mga opisyal na wika na ipinapalagay ng iba na usapin sa batas. Pero higit sa anu’t anu paman ito ay usapin ng dignidad ng isang pambansang wika laban sa isang itinakdang opisyal na wika. Ikalawa, ang usapin ng sobinismong Ethno-lingwistiko na laganap pa rin sa Pilipinas at sa anumang lupalop ng mundo na may komunidad na Pilipino. Ang ikatlo ay kung ano ba ang Filipino-English. Ano bang klaseng wika ito? Nais kong ipahayag ang aking pananaw hinggil sa mga usaping ito.
Hinggil sa Wikang Pilipino at Sobinismong Ethnolingwistiko (tags)