fix articles 53877, a. naluklok
GMA NG PILIPINAS AT URIBE NG COLOMBIA, PAREHONG PAPET AT PASISTA (tags)
Kamakailan dumalaw sa Colombia si Gloria Macapagal-Arroyo mula sa pagdalo sa APEC meeting sa Peru. Mahalagang suriin ang sanhi ng pagdalaw ni Arroyo sa Colombia. Ito ay sa harap ng lumulubhang suliranin ng paglabag sa mga karapatang pantao sa Pilipinas at parehong naganap na malubhang labanan sa pagitan ng FARC( pwersang armado rebolusyonaryo ng Colombia) at ng gobyerno ng Colombia at ng NPA/MILF sa Pilipinas. Halos magkapareho ang dalawang pangulo ng dalawang bansa. Si Alvaro Uribe ng Colombia at PGMA ng Pilipinas. Mayroon lamang pagkakaiba ang dalawa sa mga sirkumstansya at kasaysayan ng pagkakaluklok sa kapangyarihan. Ngunit matingkad ang pagkakatulad ng dalawa. Pareho silang pasista at papet ng Imperyalismong Amerikano.