fix articles 7989, sa maguindanao
MASAKER NG 57 TAO SA MAGUINDANAO, PATUNAY NG BUHAY ANG WARLORDISMO (tags)
Kung gaano kabilis ideneklara ni GMA ang “ national state of emergency" at iutos na ipaaresto ang demokratiko oposisyon tulad ni Crispin Beltran at mga rebeldeng militar, gaanong kabagal naman ang kanyang reaksyon sa mga gumawa ng karumaldumal na masaker sa Maguindanao. Ito ang pahayag ng Pesante-USA ayon sa tagapagsalita nitong si Melvin Barcenas ng Los Angeles sa mariin nitong pagkondena sa karumaldumal na krimeng pumuti ng buhay ng may aabot sa 57 katao noong Nobyembre 22. Ayon sa mga balita umabot na sa 57 ang nahukay na bangkay kabilang ang 21 babae, 21 sa napabalitang 34 na mamamahayag at maging mga walang malay na sibilyan na napadaan lamang. Ito rin ang pikamaraming myembro ng media na namatay sa loob ng isang araw sa kaysaysan ng mundo.
PILIPINAS: Eleksyong 2007: Bulok sa kaibuturan (tags)
Ilang ulit na pinasahol ng naghaharing pangkating Arroyo ang bulok na sistema ng eleksyon sa Pilipinas. Labis-labis ang karahasan, pandaraya, panunuhol, maruruming maniobra at pambabraso sa eleksyon nitong Mayo. Isinagawa ito sa pamamagitan ng militar, pulis, mga tauhan sa Comelec at burukrasya. Lalong tumingkad ang kahungkagan ng sinasabing demokratikong eleksyon sa ilalim ng kasalukuyang reaksyunaryong sistema. Pinakamatitingkad ang pandaraya ng kampong Arroyo sa Maguindanao, Sulu at Bohol kung saan nagkaroon ng halos 12-0 resulta ang eleksyon sa pagkasenador pabor sa administrasyon. Sinundan pa ito ng paglilitawan ng 12-0 pabor sa Team Unity sa ilampu pang mga munisipalidad na kontrolado ng mga alipures ni Arroyo.