fix articles 7996, ni gma Los Angeles Indymedia : tag : ni gma

ni gma

Panimulang Analisis sa Nakaraang Eleksyon (tags)

Tapos na eleksyon sa Pilipinas at nagsalita na ang taumbayan! Sa lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza ay hindi binoto ng masa. Sa Isabela, balik pwesto si Grace Padac na tinalo ni Bodjie Dy ng dinatiyang Dy ng Isabela at si Among Ed ay tinalo ng kilalang hweteng queen ng Pampanga na si Lilia Pineda, kumare ni GMA. Nakakalungkot din na ang mga Marcos ay balik-pwesto dahil sumakay sila sa agos na anti-GMA. Maging si Erap na nag-anti-GMA ay sumegunda pa kay Aquino. Ngunit ang mahigit na limang milyong lamang ni Aquino ay napakahirap ng dayain kahit nang COMELEC. Malayong-malayo sa pagdaya ni GMA kay FPJ noong 2004.

UTOS NA DOJ PABOR SA AMPATUAN- UTOS NI GMA, TALAMAK NA KAWALANGHIYAAN! (tags)

“ Sagad sa butong kawalanghiyaan!” Ito ang naibulalas ng Philippine Peasant Support Network (PESANTE))-USA na nakabase sa Los Angeles sa desisyon ng Department of Justice Secretary Agra na nagbasura sa kasong murder ng dalawang Ampatuan noong nakaraang Biyernes. Ayon pa kay Arturo P. Garcia ng Pesante “ Maliwanag na utos ito ni GMA at paghahanda ito para pawalang wala ang mga Ampatuan at gamitin ang mga ito lalo na si dating Governor ng ARMM Zaldy Ampatuan na muling mandaya sa darating na eleksyong Mayo 10, 2010” ayon sa PESANTE-USA.

MASAKER NG 57 TAO SA MAGUINDANAO, PATUNAY NG BUHAY ANG WARLORDISMO (tags)

Kung gaano kabilis ideneklara ni GMA ang “ national state of emergency" at iutos na ipaaresto ang demokratiko oposisyon tulad ni Crispin Beltran at mga rebeldeng militar, gaanong kabagal naman ang kanyang reaksyon sa mga gumawa ng karumaldumal na masaker sa Maguindanao. Ito ang pahayag ng Pesante-USA ayon sa tagapagsalita nitong si Melvin Barcenas ng Los Angeles sa mariin nitong pagkondena sa karumaldumal na krimeng pumuti ng buhay ng may aabot sa 57 katao noong Nobyembre 22. Ayon sa mga balita umabot na sa 57 ang nahukay na bangkay kabilang ang 21 babae, 21 sa napabalitang 34 na mamamahayag at maging mga walang malay na sibilyan na napadaan lamang. Ito rin ang pikamaraming myembro ng media na namatay sa loob ng isang araw sa kaysaysan ng mundo.

ignored tags synonyms top tags bottom tags