fix articles 98170, nakaraang eleksyon
Panimulang Analisis sa Nakaraang Eleksyon (tags)
Tapos na eleksyon sa Pilipinas at nagsalita na ang taumbayan! Sa lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza ay hindi binoto ng masa. Sa Isabela, balik pwesto si Grace Padac na tinalo ni Bodjie Dy ng dinatiyang Dy ng Isabela at si Among Ed ay tinalo ng kilalang hweteng queen ng Pampanga na si Lilia Pineda, kumare ni GMA. Nakakalungkot din na ang mga Marcos ay balik-pwesto dahil sumakay sila sa agos na anti-GMA. Maging si Erap na nag-anti-GMA ay sumegunda pa kay Aquino. Ngunit ang mahigit na limang milyong lamang ni Aquino ay napakahirap ng dayain kahit nang COMELEC. Malayong-malayo sa pagdaya ni GMA kay FPJ noong 2004.
PILIPINAS: Eleksyong 2007: Anong Bago at Anong Luma sa Pandaraya? (tags)
Kaisa ang AJLPP sa pahayag ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas na “ Ilang ulit na pinasahol ng naghaharing pangkating Arroyo ang bulok na sistema ng eleksyon sa Pilipinas. Labis-labis ang karahasan, pandaraya, panunuhol, maruruming maniobra at pambabraso sa eleksyon nitong Mayo. Isinagawa ito sa pamamagitan ng militar, pulis, mga tauhan sa Comelec at burukrasya. Lalong tumingkad ang kahungkagan ng sinasabing demokratikong eleksyon sa ilalim ng kasalukuyang reaksyunaryong sistema”